• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon BULONG AT SIGAW

Napipinto na ang martial law

Balita Online by Balita Online
August 6, 2018
in BULONG AT SIGAW
0
Napipinto na ang martial law
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MAY mga text at online messages na kumalat pagkatapos ng pagsabog ng bomba sa Basilan na nagsasabiNG ito ay simula lamang ng mga mas malakas pang pagsabog sa mga sentro ng kalunsuran ng bansa. Nitong Martes, isang lalaking mukhang dayuhan ang nagpasabog ng bomba sa sasakyang minamaniobra niya malapit sa isang military detachment sa Lamitan, na ikinamatay ng isang sundalo, anim na militiamen at apat na sibilyan kabilang ang isang bata. “Martyrdom operation,” wika ng grupo ng Jihadi Islamic na siyang umako ng pagsabog. Pero, ibinintang ito ng militar sa Abu Sayyaf faction sa pamumuno ni Furiji Indama, bilang bahagi ng pangingikil ng mga bandido sa mga lokal na pamahalaan.

“Sa ngayon, hinihiling ko sa publiko na tumigil sa paggawa ng espekulasyon at hintayin natin ang resulta ng imbestigasyon ng mga kinauukulan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Bukidnon nitong Biyernes. Pero, bakit hindi kakalat ang mga text messages hinggil sa mga darating pang mas malakas na pagsabog sa mga kalunsuran? Ito ay dahil kasunod ng pagsabog sa Basilan, isinailalim sa heightened alert status ang buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila, upang maiwasan ang umano’y posibilidad na pag-atakeng tulad ng naganap sa Basilan.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar, sa pagpapairal ng heightened alert status, magpapakalat ang NCRPO ng karagdagang mga pulis na magpapatrulya at magsasagawa ng pinaigting na intelligence-gathering para matukoy ang alinmang banta ng terorismo sa Kamaynilaan. Inatasan din ni Eleazar ang lahat ng district director, chief of police at station commander na paigtingin pa ang mga hakbanging crime prevention at anti-criminality operation at magsagawa ng regular checkpoint operation.

Hindi natin alam kung sino ang nagkakalat ng text at online messages, pero ang mga ito ay nakatutulong para takutin at matakot ang taumbayan. Ang ginawa ng NCRPO bilang reaksyon sa insidente sa Basilan ay hindi magpapakalma sa kanila, lalo na si Department of Transportation (DoTR) Secretary Arthur Tugade. Ipinag-utos na rin niya na isailalim sa heightened alert status ang lahat ng paliparan, daungan, railways, mga terminal at transport hubs sa buong bansa. Nagpalabas din siya ng direktiba sa mga line agencies ng kanyang departamento tungkol sa pagpapalabas ng alert protocol para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko. May mga sumunod na ring pagsabog sa Antipolo City at nitong Biyernes ng gabi, sa pantalan ng Masbate. Pero ayon kay Armed Forces Spokesman Col. Edgard Arevalo, wala raw kaugnayan ang mga ito sa nangyari sa Basilan. Kagagawan, aniya, ang mga ito ng mga komunistang rebelde.

Hindi malayo na magkatotoo ang mensaheng ikinalat sa internet at text lalo na kung may kaugnayan ang mga ito sa masamang hangarin sa bayan. Pinagugulo na kasi ang bansa tulad ng mga nahuhuling bulto-bultong ilegal na droga, mga ulat sa pagdagsa ng mga dinarakip at napapatay na sangkot dito at ng iba’t ibang krimen. Inilalatag na ang batayan para ideklara ang martial law. Ganito ang nangyari nang ipataw ni dating Pangulong Marcos ang martial law. Ginamit niya ang komunismo at pagsabog sa iba’t ibang bahagi ng Maynila upang proteksyunan daw ang republika.

-Ric Valmonte

Tags: basilan
Previous Post

Guevarra, iba kay Aguirre

Next Post

New Era sa UAAP Season 81

Next Post
New Era sa UAAP Season 81

New Era sa UAAP Season 81

Broom Broom Balita

  • Golf ball factory sa Taiwan, nasunog; 6 patay, mahigit 100 sugatan
  • Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal
  • Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC
  • PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’
  • China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc
Auto Draft

Golf ball factory sa Taiwan, nasunog; 6 patay, mahigit 100 sugatan

September 24, 2023
Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal

Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal

September 24, 2023
Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

September 24, 2023
PBBM sa ₱20 kada kilo ng bigas: ‘May chance lagi ‘yan’

PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’

September 24, 2023
China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

September 24, 2023
Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

September 24, 2023
Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

September 24, 2023
Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

September 24, 2023
Retired colonel imbyerna sa airport; 2 Chinese nakatambay sa Heroes’ Lounge

Retired colonel imbyerna sa airport; 2 Chinese nakatambay sa Heroes’ Lounge

September 24, 2023
Youngest athlete: 9-anyos na Pinay skater, pasok sa finals sa Asian Games sa China

Youngest athlete: 9-anyos na Pinay skater, pasok sa finals sa Asian Games sa China

September 24, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.