SINGAPORE – Nailigtas ni Eliodoro “Louie” Polistico ang Philippines’ Bulldogs/Psalms 23 chess team sa pagkalugmok matapos magwagi sa isang tablang position para makatulong sa pagselyo ng 2-2 draw kontra sa Pawnstars at makihati sa top 2 position matapos ang six rounds sa QCD SG Chess League 2018 nitong Biyernes sa Aqueen Hotel sa Paya Lebar, Singapore.
Ang ipinagmamalaki ng Cavite na si Polistico, isang FIDE trainer at chess instructor dito, ay nagwagi kay Kum Hong Koh sa kanilang English Opening skirmish sa Board 4.
Habang nakasalba sa draw naman sina Lincoln “Linky” Yap at International Master (IM) Rico Mascarinas sa Boards 2 at 3, ayon sa pagkakasunod.
Si Yap mula Cebu ay nakihati ng puntos kay Alexandru Crivoi sa kanilang Italian Game habang si IM Mascarinas na taga Cebu din at 8-time World Chess Olympiad member ay draw naman kay Jonathan Koh.
Napurnada ang pag-asa ng mga Filipino na makopo ang tagumpay kung saan natalo si United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. sa rook, bishop at pawn kontra sa rook, knight at pawn end game dahil na din sa time pressure na naging dahilan ng pagyuko kay Chor Chusan Tan sa Board 1 sa kanilang French duel na naging resulta ng 2-2 draw.
“Though (Almario Marlon) Bernardino Jr. played well but Chor Chusan Tan is a strong player,” sabi ni Xavier Chua, team captain ng Philippines’ Bulldogs/Psalms 23 chess squad.
Matapos ang six rounds, ang Team Philippines ay second place na may 9 match points nasa likod ng current leader Pawnstars (Singapore) na may 10 match points.
Ang panalo ay katumbas ng dalawang puntos, ang draw ay katumbas ng kalahating puntos at ang talo ay katumbasn ng zero sa match points system format.
Inorganisa ng Singapore Chess Federation at ng QCD kung saan ang tournament director ay si John Wong Fan Kong habang ang Chief Arbiter ay si FA Christopher Lim.