• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Carnapper dedo sa shootout

Balita Online by Balita Online
July 19, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Timbuwang ang isang carnapper habang nakatakas ang kasabwat nito matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang hindi pa nakikilalang suspek, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan, habang patuloy na tinutugis ang kasabwat nito.

Kinilala naman ang biktima na si Reah Jornadal y Sarsia, 23, lady guard ng isang hotel resort and casino, at nakatira sa CP Sta. Teresa Bagong Bayan, Taguig City.

Sa ulat na ipinarating ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., director ng Southern Police District (SPD), hinarang ng mga suspek, magkaangkas sa motorsiklo, ang biktima, na sakay din sa motorsiklo, sa Poblete Compound, sa kahabaan ng West Service Road, Barangay San Valley, sa Parañaque City, dakong 1:45 ng madaling araw.

Tinutukan umano ng baril si Jornadal at sapilitang kinuha ng mga suspek ang kanyang bag at motorsiklo, na sinakyan ng back rider suspect.

Nagsisigaw ang biktima at tiyempong nagpapatrulya sa lugar sina PO1s Mark John Fontehon, Francisco Bula at John Mark Oloa, kaya hinabol ang mga suspek hanggang sa nakorner ang isa sa mga ito.

Sa halip na sumuko, bumunot umano ng baril at pinutukan ng suspek ang mga pulis kaya napilitang gumanti ang awtoridad at tuluyang namatay ang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ang bag at motorsiklo ng biktima, isang caliber .38 paltik, at apat na pakete ng umano’y shabu.

-Bella Gamotea

Tags: parañaque city
Previous Post

Pagpatay sa ‘5-6’

Next Post

Albay mayor at 4 na konsehal suspendido

Next Post
probinsya

Albay mayor at 4 na konsehal suspendido

Broom Broom Balita

  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
  • Patawa raw? Netizens, kinuyog ang ‘Outstanding Comedian of the Year’ award ni Juliana Parizcova
  • Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa
  • Student-athlete na nag-collapse sa isang football varsity game, patay!
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.