• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

NCAA Games, nakansela ng bagyong ‘Henry’

Balita Online by Balita Online
July 18, 2018
in Basketball
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SA ikalawang pagkakataon ngayon 94th season, napilitang magkansela ng mga laro ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) para sa kanilang men’s basketball match.

Muling kinansela ng NCAA ang mga larong nakatakda sanang idaos kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan City dulot ng masamang lagay ng panahon na naging dahilan din ng kanselasyon ng klase sa lahat ng lebel sa buong Kamaynilaan at ilang mga karatig lalawigan.

Kabilang sa mga kinanselang laro sa kumpirmasyon na rin ni NCAA Management Committee chairman Frank Gusi ng season host University of Perpetual Help ang laban ng juniors at seniors squads ng Perpetual at Arellano University, Letran College at Mapua University at ng San Beda University at Jose Rizal University.

Gaya ng nauna ng kanselasyon, muling itatakda ang mga nabanggit na laro pagkatapos ng first round ng elimination ayon kay Gusi.

Magpapatuloy ang mga laro bukas kung magiging maayos ang lagay ng panahon sa pamamagitan ng pagdaraos ng ikalawang NCAA on Tour ngayong season sa Arellano University gym sa Legarda kung saan makakatunggali ng host Chiefs at Braves ang Emilio Aguinaldo College Generals at Brigadiers.

Nagsisimula na ang first period ng laro at lamang ang Junior Altas sa Braves, 21-19, nang ideklara ang kanselasyon matapos ang malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Kamaynilaan.

“Yes, postponed,” sambit ni Gusi.

-Marivic Awitan

Tags: national collegiate athletic association
Previous Post

Huling hirit bago ipasa ang BBL

Next Post

PLM at St. Joseph, humirit sa Fr. Martin

Next Post
PLM at St. Joseph, humirit sa Fr. Martin

PLM at St. Joseph, humirit sa Fr. Martin

Broom Broom Balita

  • Maguindanao Del Norte, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
  • Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA
  • Proteksyon laban sa cybercrimes schemes, pinagtibay!
  • LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer
  • Lalaki, napatay umano ng kainumang nakaalitan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.