• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Apat tiklo sa P3-M shabu

Balita Online by Balita Online
July 17, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nadakip ang apat na katao makaraang makumpiskahan umano ng aabot sa P3.3 milyon halaga ng shabu sa magkakahiwalay na pagsalakay ng pulisya sa Cavite, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO)-4A, isinagawa ang buy-bust operation sa Dasmariñas City at Bacoor City nitong Linggo ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Unang naaresto sina Jamila Alonto, alyas “Gemma Jose”; at Lanie Garcia, sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City.

Nauna rito, nakatanggap ang Cavite Police Provincial Office ng sumbong mula sa isang impormante tungkol sa pagtutulak umano ng droga nina Alonto at Garcia.

Nakabili umano ang pulis na poseur buyer ng 150 gramo ng shabu mula sa mga suspek, at kaagad na dinakip ng pulisya.

Bukod dito, nakakumpiska pa umano ang pulisya ng 300 gramo ng shabu mula sa mga suspek nang kapkapan ang mga ito.

Nadakip naman ng pulisya sa Bacoor City si Marvin Destajo, hinihinalang tulak sa Bgy. Zapote V.

Nagpapatrolya ang mga opisyal ng nabanggit na barangay nang natiyempuhan umano si Destajo na may dalang isang sachet ng shabu.

Samantala, nadakip naman sa bisa ng search warrant si Julieta Tabor, ng Cavite City, at nasamsaman umano ng tatlong plastic ng hinihinalang shabu.

Nakapiit na ang apat na suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

-FER TABOY

Tags: cavite
Previous Post

Digong, nag-sorry sa God

Next Post

Tricycle driver tinodas sa lamay

Next Post

Tricycle driver tinodas sa lamay

Broom Broom Balita

  • Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games
  • Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea
  • Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023
  • Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon
Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games

October 1, 2023
₱40M ‘smuggled’ na bigas nadiskubre sa Las Piñas, Cavite

Bulacan warehouse raid: Smuggling case vs rice importers, isinampa ng BOC

September 30, 2023
‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bahagyang lumakas, kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023

September 30, 2023
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

September 30, 2023
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.