• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

OFW patay sa pagpapalaglag

Balita Online by Balita Online
July 13, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patay ang isang babae, na kauuwi lamang umano mula sa pagtatrabaho sa Dubai, nang dumanas ng matinding pagdurugo matapos umanong magpalaglag sa loob ng isang motel sa Quiapo, Maynila, iniulat kahapon.

Ang biktima, 32, tubong Tarlac, ay tatlong araw pa lamang sa Pilipinas matapos na magtrabaho bilang overseas Filipino worker (OFW) sa Dubai.

Arestado naman at isinasailalim sa imbestigasyon ang suspek na si Luzviminda Tibay, 58, ng 6 Carcel Hidalgo Street, sa Quiapo.

Sa ulat ni PO1 Erikson dela Cruz kay Manila Police District (MPD)- Station 3 commander, Police Supt. Julius Caesar Domingo, isinugod sa ospital ang biktima ngunit patay na dahil sa Septic Shock from Induced Abortion, bandang 2:30 ng hapon kamakalawa.

Sa salaysay ng kaibigan ng biktima, 36, bago ang insidente ay nagpasama sa kanya ang biktima at nag-check in sa isang hotel sa Bautista St., sa Quiapo sa ganap na 1:00 ng hapon nitong Hulyo 10.

Pagsapit ng 2:00 ng hapon, dumating umano si Tibay sa hotel at isinagawa ang aborsiyon kapalit ng P10,000. Pasado 2:00 ng hapon kamakalawa, iniwan ng testigo ang biktima sa loob ng motel upang bumili ng kanilang tanghalian.

Gayunman, pagbalik nito sa hotel ay patay na umano ang biktima at nagkalat ang dugo sa sahig.

Dahil dito, nagsagawa ng follow-up operation ang awtoridad at naaresto si Tibay.

-MARY ANN SANTIAGO

Tags: dubaimaynilaquiapo
Previous Post

Senate hearing sa Crame, tinanggihan

Next Post

Terrence Romeo nasangkot sa rambol

Next Post

Terrence Romeo nasangkot sa rambol

Broom Broom Balita

  • NFA rice, ibabalik sa merkado — DA
  • 1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec
  • Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?
  • Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students
  • UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
PhilHealth, nakapagrehistro ng P32.84-B net income noong 2021

UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders

May 16, 2022
DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

May 16, 2022
Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

May 16, 2022
Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

May 16, 2022
Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

May 16, 2022
Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.