• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pagtaas ng presyo ng Lotto kinansela ng PCSO

Balita Online by Balita Online
July 12, 2018
in Balita
0
Lotto | Pixabay
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

IPINAHAYAG kahapon ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan na kinansela ng ahensiya ang planong pagtaas sa presyo ng tiket ng Lotto, Sweepstakes, at Keno na nakatakda sana sa Hulyo 8.

Magkakaroon ng pagbabago sa presyo ng tiket sa Hulyo 23.

“In a letter from Pacific Online Systems Corporation (POSC) dated July 5, 2018, it states there that the start of downloading of the program fix to their terminals will be from July 9 to 21, 2018 and will take about two weeks for their program fix to be completely downloaded,” pahayag ni Balutan.

May dalawang lottery systems ang PCSO. Para sa Luzon, ang nangangasiwa ay ang Philippine Gaming and Management Corporation (PGMC). Nakatakdang mapaso ang kontrata nito sa August 21, 2018; habang sa Visayas-Mindanao ang nangangasiwa ay ang POSC na magtatapos din ang kontrata sa July 31, 2018.

Ayon kay Arnel Casas, Officer-in-Charge Assistant General Manager for Gaming Sector, inirekomenda niya ang kanselasyon sa pagtaas ng presyo ng tiket matapos matanggap ang sulat ng POSC.

“The objective really is to have a simultaneous/synchronized implementation nationwide of all online lottery system providers of changes to reflect DST (Documentary Stamp Tax) to lotto tickets. This is in compliance to the TRAIN law,” sambit ni Casas.

Mula January 2018, ang lahat ng PCSO lotto prizes ay may tax na 20 percent sa pagkakataon na ang premyo ay lagpas sa P10,000.

Nauna nang naipahayag ni Balutan ang planong pagtaas sa presyo ng tiket sa P24 mula sa P20 para sa Lotto; P12 mula sa dating P10 sa Digit Games at Keno, at P6 mula sa P5 para sa Sweepstakes tickets.

Tags: philippine charity sweepstakes office
Previous Post

Williams, lumapit sa target na Wimby title

Next Post

Rhian classy ang resbak sa umokray sa katawan niya

Next Post
Rhian classy ang resbak sa umokray sa katawan niya

Rhian classy ang resbak sa umokray sa katawan niya

Broom Broom Balita

  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
  • Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba
  • Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA
  • Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal
  • Attached agencies ng DILG, ida-drug test
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

Teves, nag-apply ng citizenship sa Timor-Leste – Remulla

June 2, 2023
Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

June 2, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Pagbibigay ng impormasyon sa heat index, ititigil muna – PAGASA

June 2, 2023
Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.