• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

HUMANDA KAYO!

Balita Online by Balita Online
July 12, 2018
in Basketball
0
HUMANDA KAYO!

IBINIDA ni US NCAA veteran Kobe Paras ang UP Maroons jersey matapos maselyuhan ang kanyang pagsapi sa State U para sa Season 82. Kabilang si Paras na umagaw ng atensyon ni NBA four-time MVP LeBron James sa ginanap ng Rise Challenge sa Manila sa nakalipas na taon. (UP TWITTER PHOTOS.)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kobe Paras, lalaro sa UP Maroons sa Season 82

HIGIT na kompetitibo at may kakayahang maging kampeon sa susunod na season ng UAAP men’s basketball ang University of the Philippines Maroons.

IBINIDA ni US NCAA veteran Kobe Paras ang UP Maroons jersey matapos maselyuhan ang kanyang pagsapi sa State U para sa Season 82. Kabilang si Paras na umagaw ng atensyon ni NBA four-time MVP LeBron James sa ginanap ng Rise Challenge sa Manila sa nakalipas na taon. (UP TWITTER PHOTOS.)
IBINIDA ni US NCAA veteran Kobe Paras ang UP Maroons jersey matapos maselyuhan ang kanyang pagsapi sa State U para sa Season 82. Kabilang si Paras na umagaw ng atensyon ni NBA four-time MVP LeBron James sa ginanap ng Rise Challenge sa Manila sa nakalipas na taon. (UP TWITTER PHOTOS.)

Handa na para sa UAAP Season 81, inaasahang mas katatakutan ang Maroons sa pagdating ni Ricci Rivero sa Season 82, higit ang pagsapi ni Gilas cadet member at US NCAA veteran Kobe Paras.

Sa isang sopresang desisyon, ipinahayag ni Paras ang pananatili sa bansa para maging bahagi ng UP sa premyadong collegiate league sa bansa.

“I look forward to the challenge of helping make UP a better basketball team as well as the challenge of helping myself become a better student,” pahayag ni Paras sa opisyal na media statement ng UP men’s team nitong Miyerkules.

Kakailanganin ni Paras na sumailalim sa one-year residency bago pormal na makapaglaro sa State U sa Season 82 kung saan pinananabikan ang tambalan nila ni Rivero, gayundin ng mga beteranong Maroons na sina Javi at Juan Gomez de Liano, Will Gozum, Jun Manzo, at Nigerian Bright Akhuetie.

Magkakasama sa Gilas cadet team sina Paras, Rivero, Juan GDL, at Gozum.

Sa kabila nito, iginiit ni head coach Bo Perasol na hindi lamang talento bagkus determinasyong manalo ang kailangan para magtagumpay sa liga. “We are fortunate to have a talent like Kobe on board, but winning, as experience has shown us, takes more than talent. We have to get everyone on the same page and to play the right way,” aniya.

Gayunman, mistulang ‘super team’ ang UP Maroons sa susunod na season sa pagdating nina Rivero at Paras na itinuturing malaking hakbang sa isinusulong na pagbabago sa basketball program ng eskwelahan na lubhang nagtamo ng kahihiyan sa nakalipas na mga season.

Dadalhin ni Paras ang karanasan na nakamit niya bilang miyembro ng US NCAA Division 1 team, gayundin ang mahabang taong pamamalagi sa National Team bilang Gilas cadet at pambato ng 3×3 National squad kung saan umagaw ng atensyon si Paras bilang one-time slam dunk champion.

Huling nagkampeon ang UP Maroons sa UAAP men’s basketball noong 1986. Ang koponan ay pinagbidahan noon ni basketball icon Benjie Paras – ama ni Kobe.

Tags: benjie parasBo PerasolKobe ParasUniversity of the Philippines Maroons
Previous Post

Richard Gomez, may movie with Sharon?

Next Post

Edgar Allan, pang-film fest ang husay

Next Post
Edgar Allan, pang-film fest ang husay

Edgar Allan, pang-film fest ang husay

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.