• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon PAGTANAW AT PANANAW

PRRD, hindi utos na dakpin ang mga tambay

Balita Online by Balita Online
June 26, 2018
in PAGTANAW AT PANANAW
0
PRRD, hindi utos na dakpin ang mga tambay
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NILINAW o nagbago ang pahayag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya inutos sa mga pulis na arestuhin at ikulong ang mga tambay. Nais niya ay i-accost o lapitan lang ang mga ito at tanungin kung bakit naroroon sila sa ganoong oras ng gabi, nakahubad at nag-iinuman.

Ayon sa Pangulo, sinabihan niya ang mga pulis na tanungin o sitahin lamang ang mga tambay, hindi dakpin. Batay sa ulat, may 8,000 tambay (loiterers) na ang naaresto ng mga tauhan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa nakaraang ilang araw.

Umani ng mga pagpuna at kritisismo si PDu30 sa paghuli ng mga pulis sa mga tambay dahil komo raw sila ay mahihirap at walang kalaban-laban, ay sila ang tinatarget. Kung iisipin nating mabuti, maganda ang intensiyon ni Mano Digong sa pag-accost o pagsita sa mga tambay sapagkat talagang potensiyal silang makagawa ng krimen sa gayong oras ng gabi.

Plano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isailalim sa drug test ang mga estudyante sa Grade 4 pataas. Gayunman, sinabi ng Department of Education (DepEd) na kailangan muna ang approval ng Kongreso tungkol dito. Binanggit ng DepEd na pinahihintulutan lang ng Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang drug testing sa high school at kolehiyo. Hindi sa elementarya.

Usung-uso ang selfie ngayon sa pamamagitan ng cell phone. Kung totoo ang balita noong Sabado, kinumpiska raw ang cell phone ni ex-Sen. Bong Revilla matapos ipakita ang sarili sa loob ng selda sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Batay sa image ng kanyang FB account, ganito ang nakasulat: “Today is exactly my fourth year in prison”. Dahil dito, nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon ang mga pulis sa kanyang selda at sinamsam ang kanyang cell phone. Bawal kasi ang pagkakaroon ng cell phone o anumang gadget sa mga preso.

Sina ex-Sens. Juan Ponce Enrile at Jinggoy ay nakalaya na sa pamamagitan ng piyansa. Tanging si Sen. Bong na lang ang nasa loob pa ng selda. Nagbibiro na naman ang kaibigan ko kung bakit si Bong ay nakapiit pa gayong siya ay may taglay na “agimat”. Akala raw niya ay “walang iwanan” ang tatlong senador. Iyan ang hindi ko alam.

-Bert de Guzman

Tags: camp cramedepartment of educationjuan ponce enrileOscar Albayaldephilippine drug enforcement agencyPNP Custodial Center
Previous Post

‘NBI agent’, dedo sa arms caché raid

Next Post

P24-M shabu, pampasabog nasamsam

Next Post
probinsya

P24-M shabu, pampasabog nasamsam

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.