• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sancho delas Alas, ayaw ng bonggang wedding

Balita Online by Balita Online
June 17, 2018
in Showbiz atbp.
0
Sancho Vito at Shanna, ikakasal sa December
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MAY mga pagbabagong magaganap sa church wedding ng anak ni Ai Ai delas Alas na si Sancho delas Alas, at ng fiancée nitong si Shanna Retuya.

Napapanood na ngayon sa Ang Probinsiyano, kinumpirma ni Sancho na sa December 10, 2018 ang araw ng pagpapakasal nila ng kasintahan. Una nang pinlano nina Sancho at Shanna na sa Christ The King Green Meadows Church magpakasal, subalit nabago ang pagdarausan ng kasal, at sa halip ay sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills, Mandaluyong City na gagawin ang kanilang church wedding.

Balak nina Sancho at Shanna na idaos ang wedding reception nila sa bagong restaurant na bubuksan ni Ai Ai sa Ayala Mall Cloverleaf, at hindi na sa isang sikat na events place.

Sinabi ni Sancho na kung susundin ang original plan, aabot sa P2 milyon ang budget, dahil sa venue pa lang ng wedding reception ay P200,000 agad ang ibabayad nila.

Napagdesisyunan ng dalawa na gawing simple ang kasal, dahil mas mahalaga ang basbas ng simbahan sa pagsasama nila.

Kaya ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na lang ang imbitado sa wedding.

Nagiging praktikal lang sina Sancho at Shanna, kaya ayaw nila ng kasalang magarbo.

Nabanggit ni Sancho na nangako ang kanyang inang si Ai Ai na tutulong sa mga gastos at na-appreciate naman niya ang alok ng Comedy Queen, pero gusto pa rin nila ni Shanna na magtipid.

Maganda ang ibinigay ni Sancho na katwiran na ang marriage at ang pamilya na bubuuin, hindi ang kanilang wedding, ang pinaghahandaan nila ni Shanna.

Kapag walang taping si Sancho para sa Ang Probinsiyano ay siya ang chef on duty sa kanilang family-owned restaurant, ang Chang Ai, sa tapat ng ABS-CBN. (Ador V. Saluta)

Tags: Ai Ai delas AlasKing Green Meadows Churchmandaluyong cityStar Circle QuestTelevision in the Philippines
Previous Post

PBA: Aces, masusubok sa Bolts

Next Post

Batang Baste, natupok ng Blazers

Next Post

Batang Baste, natupok ng Blazers

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.