• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Mga original Sang’gre, magsasama-sama sa pelikula

Balita Online by Balita Online
June 3, 2018
in Showbiz atbp.
0
Mga original Sang’gre, magsasama-sama sa pelikula
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Direk Mark, Diana, Sunshine, Karylle, Iza at Rose

Ni Nora V. Calderon

TAONG 2005 nang ginawa ang telefantasya ng GMA Network na Encantadia, na pinagbidahan ng mga Sang’gre na sina Sunshine Dizon as Pirena, Iza Calzado as Amihan, Karylle as Alena, at Diana Zubiri as Danaya. Si Mark Reyes ang kanilang director.

Pero kahit matagal nang tapos ang unang Encantadia, hindi natapos ang friendship ni Direk Mark sa kanyang mga Sang’gre. Lagi pa rin silang nagba-bonding.

In fact, nang i-remake ng direktor ang Encantadia in 2016-2017, nag-try siyang pagsama-samahin ang mga Sang’gre na sina Kylie Padilla as Amihan, Gabbi Garcia as Alena, Sanya Lopez as Danaya, at Glaiza de Castro as Pirena, para magkakila-kilala sila.

Hindi man nabuo ang dalawang grupo ng Sang’gre dahil sa previous appointments ng ilan sa kanila, may times namang nagkikita-kita sila sa ibang okasyon at na-meet din nila ang mga orihinal na Sang’gre. Nagbigay pa nga ng pointers ang mga dating Sang’gre sa mga bagong Sang’gre.

At doon nga nabuo ang matagal nang plano ni Direk Mark na magsama-sama muli ang apat sa isang project na gagawin nila. At nagkasundo sila na sama-samang mag-produce ng isang pelikula. Mukhang matagal din nilang pinagplanuhan ang susunod nilang moves, una na rito ay ang schedules nilang lahat.

At nito ngang isang gabi ay nag-post si Direk Mark ng photo nila sa kanyang Instagram, kasama si Rose Conde, ang BFF nilang lima. May hashtag itong #SanggresInc, at halos tiyak nang iyon ang name ng kanilang production.

Nag-text kami kay Direk Mark if tuloy na ang kanilang production, at kung kailan sila magsisimula?

“Yes, Tita, hopefully by July,” sagot niya.

May ginagawa kasing project ngayon si Direk Mark sa GMA 7, ang epidemic-serye na The Cure, na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Previous Post

NBA: Thompson at Love, lusot sa suspension

Next Post

Pay hike sa mga guro, iginiit

Next Post

Pay hike sa mga guro, iginiit

Broom Broom Balita

  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
  • Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba
  • Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA
  • Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal
  • Attached agencies ng DILG, ida-drug test
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

Teves, nag-apply ng citizenship sa Timor-Leste – Remulla

June 2, 2023
Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

June 2, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Pagbibigay ng impormasyon sa heat index, ititigil muna – PAGASA

June 2, 2023
Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.