• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kris, nagkikilay bago matulog

Balita Online by Balita Online
June 3, 2018
in Showbiz atbp.
0
Kris, nagkikilay bago matulog
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Reggee Bonoan

MISTULANG nagpa-seminar tungkol sa pagpili ng tamang kulay ng lipstick at tamang pagkikilay si Kris Aquino sa blogcon ng “Ever Bilena unveils Kris Life Kits” sa La Vita at Marina Bay, Seaside Boulevard, Pasay City kamakailan, dahil isa-isa itong itinuro ng Queen of Online World and Social Media sa mga guest.

kris

Itinuro rin ni Kris ang tamang pagguguhit ng kilay, dahil ayon mismo sa kanya, “kilay is my life.”

Nagkatawanan nga ang lahat nang ikinuwento ni Kris na kahit daw matutulog na sila ay kailangang nakakilay pa siya.

Paliwanag niya, sakaling magkaroon ng emergency at biglaang mapalabas siya ng bahay na nakapantulog ay okay lang, basta maganda ang kilay niya.

Long-term relationship ang terminong ginamit ni Kris sa collaboration niya sa Ever Bilena, dahil binigyan-laya siya sa sarili niyang make-up line, tulad sa pagpili ng kulay ng led-free lipstick na talagang tinest pa niya for safety, tested color saturation, recommended scents, at maging ang packaging ay siya ang pumili.

“I love the fact that I’m getting to work with the second generation because Denise (Sy) gets it. She studied in Berkeley (California, USA), she really understands the market, memorizes all their products and she knows the importance of social media and she knows that for a product to work, the person its named after or has to be really super involved and I’m so appreciative that they trusted me this much because, we already established a relationship in just six months that I know gaano kalaki ang invest nila and it’s not a joke,” sabi ni Kris.

“I’m not just only an endorser but I’m also a stakeholder in this, so it’s really a long-term relationship. I’m super-duper (happy). “

Para sa kaalaman ng lahat, ang laging gamit ni Kris sa pagkikilay ay ang Matte Brow Liner at Brow Mascara, na Happy Taupe (light brown), at Beyond Brown (dark brown).

Sa lipstick naman, gamit lagi ni Kris ang Kris Matte Matic Lipstick, na may dalawang kulay, Life-pink at Love-red.

Mayroon ding liquid form ng mga ito.

Pagkatapos ng lipstick at kilay session, siyempre pa ay hindi naiwasang hindi tanungin ang surprised visit ni Kris sa 50th birthday party ni Quezon City Mayor Herbert Bautista nitong Mayo 23.

Pero tikom ang bibig ng “best friend” ni Mayor Bistek, “I promised to myself na I won’t say anything. I’ve changed,” sabi ni Kris.

Pero giit ng mga nagtatanong, nag-post naman si Kris sa IG stories niya tungkol sa kanila ni Bistek.

“Totoo, e. Kasi whatever I posted there, that’s the truth, that was it. And I think I’ve already shared more than enough kasi I’ve learned from life that if you want less people giving an opinion, say less,” katwiran ni Kris. “I promised myself hindi ko pag-uusapan so I won’t jinx it. I’ve changed.”

Tags: Draft:Jose Enrique RodoKris ang Kris Matte MaticMarina BayMayorquezon cityunited states
Previous Post

Vice Ganda, may pantapat na sa Vic-Coco tandem

Next Post

Tunay na bilang sa nagpapatuloy na kampanya vs droga

Next Post

Tunay na bilang sa nagpapatuloy na kampanya vs droga

Broom Broom Balita

  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
  • ‘True meaning of compassion’: Netizens, naantig sa batang kumukupkop ng stray cats
  • Janine Gutierrez, masayang-masaya na makatrabaho si Dolly De Leon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.