• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Gladys, may lessons sa mga katrabaho kung paano maiwasan ang pananakit niya

Balita Online by Balita Online
June 1, 2018
in Showbiz atbp.
0
Gladys, may lessons sa mga katrabaho kung paano maiwasan ang pananakit niya
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MATAGAL-TAGAL ding hindi nakagawa ng teleserye si Gladys Reyes, simula nang ipagbuntis niya ang youngest niyang si Gavin, kaya na-miss niya ang kontrabida roles niya na mahilig manakit.

GLADYS copy

“Na-miss ko na ang manakit sa mga characters na kasama ko sa teleserye,” natatawang sabi ni Gladys. “Kaya nang i-offer sa akin ang Inday Will Always Love You, at kontrabida ulit ako, natuwa ako. So, enjoy ang taping dahil mananakit na naman ako ng kapwa kaeksena ko. Kaya humanda iyang si Happylou sa akin.”

Character ni Barbie Forteza ang tinutukoy ni Gladys.

“Ako rito si Amanda, ina ni Patrick (Derrick Monasterio) at ang gusto ko para sa kanya, si Ericka (Kim Rodriguez) na isa pa ring masungit at napakaselosa dahil para sa kanya, siya lang ang puwedeng lumapit kay Patrick. Kaya humanda na si Happylou sa aming dalawa ni Ericka.”

But off-camera, napakabait ni Gladys, at siya ang nagbibigay ng pointers sa mga sasaktan niya kung paano siya iiwasan.

“Naaawa kasi ako sa kanila, lalo na kung mga bago pa lamang artista, kung hindi nila alam kung paano mag-fake ng eksena. Ini-explain ko na iyon sa kanila bago kami mag-take. Pero si Barbie, ang husay-husay niya, magaling siyang artista kaya hindi ko siya nasasaktan, kunwari lang nasaktan ko siya pero hindi naman talaga.”

Marami siyang gagawing pahirap kay Barbie, pero madalas ay siya rin ang napapahamak, dahil kung nag-iisip ka ng masama sa kapwa mo, ikaw ang nakakarma.

Pero enjoy daw sila sa set, lalo na noong nasa Cebu sila dahil lagi silang magkakasama sa tent.

Marami pang aabangang eksena sa top-rating romantic-comedy series mula sa GMA News & Public Affairs na kinunan ang halos kabuuan sa iba’t ibang lugar sa Cebu. Napapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng Kambal Karibal.

-NORA CALDERON

Tags: gladys reyes
Previous Post

Maine, iginawa ng libro ng fans

Next Post

Paggamit ng e-cigarette, hindi lunas para maitigil ang paninigarilyo

Next Post
Paggamit ng e-cigarette, hindi lunas para maitigil ang paninigarilyo

Paggamit ng e-cigarette, hindi lunas para maitigil ang paninigarilyo

Broom Broom Balita

  • 2 pang kaso ng monkeypox sa bansa, naitala ng DOH
  • Comelec, nabisto ng COA sa ₱671M unliquidated cash advance
  • Pasay gov’t, nagsagawa ng libreng developmental screening para sa mga bata
  • Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran
  • BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP
2 pang kaso ng monkeypox sa bansa, naitala ng DOH

2 pang kaso ng monkeypox sa bansa, naitala ng DOH

August 19, 2022
Comelec, nabisto ng COA sa ₱671M unliquidated cash advance

Comelec, nabisto ng COA sa ₱671M unliquidated cash advance

August 19, 2022

Pasay gov’t, nagsagawa ng libreng developmental screening para sa mga bata

August 19, 2022
Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran

Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran

August 19, 2022
Auto Draft

BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP

August 19, 2022
Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

August 19, 2022
Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’

Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors

August 19, 2022
Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

August 19, 2022
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.