• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

Archers, nakaamba sa EAC Generals

Balita Online by Balita Online
May 11, 2018
in Basketball
0
Archers, nakaamba sa EAC Generals
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Marivic Awitan

Filoil sched May 11 copy

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

12:30 n.h. — Lyceum vs St. Benilde
2:15 n.h. — UP vs Perpetual Help
4:30 n.h. — La Salle vs EAC
6:30 n.g. — San Sebastian vs UST

MAKISOSYO sa karibal na Ateneo de Manila University sa pamumuno sa Group A, target ng De La Salle University na maidispatsa ang bokyang Emilio Aguinaldo College ngayon sa pagpapatuloy ng Filoil Flying V Pre Season Cup sa San Juan City.

Magtutuos ang Green Archers at ang Generals na may baligtarang 3-0 at 0-3, panalo-talo, ayon sa pagkakasunod.

Mauuna rito, magsasagupa sa unang laro ganap na 12:30 ng hapon ang Lyceum at College of St. Benilde na susundan ng tapatan ng University of the Philippines at University of Perpetual Help ganap na 2:15 ng hapon habang magtutuos naman sa huling laban ganap na 6:30 ng gabi ang San Sebastian College at University of Santo Tomas.

Huling tinalo ng La Salle para sa ikatlong sunod na panalo ang Altas noong Mayo 4 habang parehas ding petsa natamo ng EAC ang ikatlong dikit nilang talo sa kamay ng National University.

Sa unang laro, ikalawang sunod na panalo upang makaagapay sa liderato ng Group B na kasalukuyang hawak ng FEU(3-0) ang tatangkain ng College of St. Benilde sa pagtutuos nila ng Lyceum of the Philippines University na hangad namang makaahon sa tatlong sunod na kabiguan matapos ipanalo ang una nilang laro.

Aabangan naman sa ikalawang laban ang muling pagtatagpo ni Bright Akhuettie ng UP (2-3) at ng kanyang dating koponang UPHSD na wala pa ring panalo matapos ang unang dalawang laro.

Samantala, bigo sa una nilang laban, sa kamay ng Letran, tatangkain ng UST na bumawi sa susunod nilang laro kontra San Sebastian na target namang pumantay sa ikatlong posisyon sa Group B na kasalukuyang okupado ng Arellano University at Letran hawak ang parehas na markang 2-1.

 

Tags: de la salle universityFiloil Flying V Centeruniversity of perpetual helpuniversity of santo tomasuniversity of the philippines
Previous Post

World Slasher 2: Finals ngayon sa Big Dome

Next Post

Lahat ng 10 Utos ng Diyos, gagawing serye ng GMA-7?

Next Post
Lahat ng 10 Utos ng Diyos, gagawing serye ng GMA-7?

Lahat ng 10 Utos ng Diyos, gagawing serye ng GMA-7?

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.