• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Dagdag sahod para sa mga guro, ipinangako ni Duterte

Balita Online by Balita Online
May 6, 2018
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

PAGKATAPOS ng mga sundalo at pulis, makatatanggap din ang mga guro sa pampublikong paaralan ng dagdag na sahod kapag bumuti ang ekonomiya, ito ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes ng gabi.

“Remember, when the economy improves, you are next to get a salary increase — but in increments since there are so many of you. You are five or seven times more than our soldiers,” paliwanag ni Duterte sa mahigit 6,000 elementary school principal sa ginanap na 37th Principals Training and Development Program and National Board Conference sa SMX Convention Center, Davao City.

Umani ng palakpakan ang pahayag ng Pangulo sa mga delegado.

Sinabi ni Duterte na naiintindihan niya ang buhay ng mga guro dahil mismong ang kanyang ina, si Soledad Duterte, ay isa ring public school teacher.

Binanggit niya na dahil sa hirap ng buhay ng isang guro dulot ng mababang sahod, marami sa mga ito ang napipilitang isangla ang kanilang atm card.

Maging ang kanyang ina, aniya, ay nangutang din noon upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Gayunman, ipinaliwanag ng Pangulo na kailangan niyang unahin ang dagdag na sahod para sa mga unipormadong kawani ng pamahalaan dahil sa panganib na kinahaharap ng mga ito sa pagtupad ng kanyang pangako noong kampanya laban sa ilegal na droga, kriminalidad, at terorismo.

Ngunit ang mga guro ang susunod na makatatanggap ng dagdag sahod, diin ng Pangulo.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones ang Department Order 55 (2017) o ang “Revised Guidelines on the Implementation of PHP4,000 Net Take Home Pay for Department of Education Personnel”.

Prayoridad ng kautusan ang loan deduction mula sa Government Service Insurance System at ng Home Development Mutual Fund, at sumisiguro na hindi bababa sa P4,000 ang maiuuwing sahod ng mga guro. (PNA)

Tags: Draft:Wish Ko Lang episodesHome Development Mutual FundSMXSMX Convention CenterSoledad Duterte
Previous Post

World-rated Japanese, hahamunin ni Ciso

Next Post

PH beach belles sa FIVB q’finals

Next Post
PH beach belles sa FIVB q’finals

PH beach belles sa FIVB q'finals

Broom Broom Balita

  • Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis
  • ‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t
  • Honeymoon Europe trip nina Kris at Perry, natuloy; pangarap na Adele concert, maabutan pa kaya?
  • 15 bagyo, asahan pa ngayong 2022
  • SolGen Calida, itinalagang hepe ng COA
Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis

June 29, 2022
‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

June 29, 2022
Honeymoon Europe trip nina Kris at Perry, natuloy; pangarap na Adele concert, maabutan pa kaya?

Honeymoon Europe trip nina Kris at Perry, natuloy; pangarap na Adele concert, maabutan pa kaya?

June 29, 2022
15 bagyo, asahan pa ngayong 2022

15 bagyo, asahan pa ngayong 2022

June 29, 2022
SolGen Calida, itinalagang hepe ng COA

SolGen Calida, itinalagang hepe ng COA

June 29, 2022
Bagong graduate na SHS student, ibinida ang tatay kahit basa ng pawis, marumi ang damit

Bagong graduate na SHS student, ibinida ang tatay kahit basa ng pawis, marumi ang damit

June 29, 2022
Badjao, kumikita ng mahigit ₱500 araw-araw sa pamamagitan ng ‘kalabit-penge’

Badjao, kumikita ng mahigit ₱500 araw-araw sa pamamagitan ng ‘kalabit-penge’

June 29, 2022
Listahan ng mga dawit umano sa smuggling, ipinadala na sa Ombudsman

Listahan ng mga dawit umano sa smuggling, ipinadala na sa Ombudsman

June 29, 2022
Kobe Paras at Erika Poturnak, ibinalandra ang lambingan sa Bali trip

Kobe Paras at Erika Poturnak, ibinalandra ang lambingan sa Bali trip

June 29, 2022
Duterte at Marcos regime, masyadong balat-sibuyas—Colmenares

Duterte at Marcos regime, masyadong balat-sibuyas—Colmenares

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.