• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon PAGTANAW AT PANANAW

Bawal na ang balimbing

Balita Online by Balita Online
May 1, 2018
in PAGTANAW AT PANANAW
0
Bawal na ang balimbing
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni Bert de Guzman

BUMAGSAK ng 10 puntos ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS). Ang net trust rating ni Mano Digong ay sumadsad mula sa “excellent” na +75 noong Disyembre 2017 at naging “very good” na +65 batay sa SWS survey na ginawa noong Marso 23-27, 2018. Samakatwid, bilib pa rin sa kanya ang mga Pinoy.

Bawal na ang “balimbing” sa larangan ng pulitika sa Pilipinas. Ibig sabihin nito, ipagbabawal na ang paglipat ng mga pulitiko sa iba’t ibang partido habang sila ay nasa puwesto. Uso kasi ang lipatan ng lapian kapag ang nanalong presidente ay mula sa isang partido, gaya ng nangyari sa pagkukumahog ng mga senador at kongresista na umanib sa PDP-Laban na partido ni PRRD.

Tinatrabaho ngayon ng Consultative Committee (ConCom) ang isang draft ng bagong Konstitusyon para sa pederalismo, na gusto ni PRRD na maging sistema ng gobyerno na papalit sa presidential form of government.

Samakatwid, bawal na ang balimbing a.k.a “political butterfly” at “hunyango” na palipad-lipad (paruparo) at pagbabago ng kulay (hunyango) para sumama sa partido ng sino mang bagong pangulo.

Namayani na naman sa magkasunod na dalawang taon ang mga nagtapos ng abogasya mula sa mga paaralan o unibersidad sa mga lalawigan batay sa resulta ng Bar Examinations na inilabas ng Supreme Court noong Huwebes.

Nadomina ng law graduates mula sa mga probinsiya ang Top 10 sa pangunguna ni Mark John Simando ng St. La Salle, Bacolod City ang 2017 Bar Exams. Nagtamo siya ng average na 91.05%. Humuhusay na ang pagtuturo sa mga kolehiyo at pamantasan sa mga lalawigan, hindi tulad noon na pawang law graduates sa Metro Manila ang nangunguna.

Totoo kaya na magre-resign si PDU30 kapag hindi pa napagtibay ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa susunod na buwan? Sinabi ni Australian nun Patricia Fox na hindi niya pinagsisisihan ang mga ginawa niyang aktibidad sa Pinas. Ayon kay Fox, ang hakbang ng Bureau of Immigration na kanselahin ang kanyang missionary visa ay hindi laban sa kanya, kundi laban sa Catholic Church at sa foreign missionaries na nagtatrabaho sa Pilipinas.

Tags: bacolod cityBar Examinationsbureau of immigrationConsultative CommitteeMark John Simando
Previous Post

Inatake sa puso habang nagda-drive, dedo

Next Post

Humalay sa ginang, timbog

Next Post

Humalay sa ginang, timbog

Broom Broom Balita

  • Krisis sa pagkain sa gitna ng pandemya, posible — DA
  • Inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte, ikakasa sa Davao City
  • Koko Pimentel, hangad na pamunuan ang Senate minority bloc
  • Kahit ipinatigil na ni Duterte: 6 sa e-sabong sites, nag-o-operate pa rin — PNP
  • Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano
Krisis sa pagkain sa gitna ng pandemya, posible — DA

Krisis sa pagkain sa gitna ng pandemya, posible — DA

May 18, 2022
Inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte, ikakasa sa Davao City

Inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte, ikakasa sa Davao City

May 18, 2022
Koko Pimentel, hangad na pamunuan ang Senate minority bloc

Koko Pimentel, hangad na pamunuan ang Senate minority bloc

May 18, 2022
Kahit ipinatigil na ni Duterte: 6 sa e-sabong sites, nag-o-operate pa rin — PNP

Kahit ipinatigil na ni Duterte: 6 sa e-sabong sites, nag-o-operate pa rin — PNP

May 18, 2022
Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano

Xian Gaza, may payo kay ‘Mother of all Pinkish’ kapag sasakay ng eroplano

May 18, 2022
‘No permit, no rally policy,’ mahigpit na ipatutupad sa Maynila

Domagoso, walang pinagsisisihan sa pagkandidato sa pagka-pangulo

May 18, 2022
Edu, iiwasang sumakay sa eroplano ng airline company na may pilotong nambintang kay VP Leni

Edu, iiwasang sumakay sa eroplano ng airline company na may pilotong nambintang kay VP Leni

May 18, 2022
PNP, AFP sa Comelec: Mahigit 300 lugar, ideklara bilang ‘areas of concern’

Mga nanalong party-list, ‘di pa maipoproklama — Comelec

May 18, 2022
Pasimuno ng Maginhawa community pantry, ginawaran ng ‘Ambassador’s Woman of Courage Award’

Pasimuno ng Maginhawa community pantry, ginawaran ng ‘Ambassador’s Woman of Courage Award’

May 18, 2022
Cellophane, napagkamalang ‘White Lady’ ng isang motorista sa Davao City

Cellophane, napagkamalang ‘White Lady’ ng isang motorista sa Davao City

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.