• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon CARITAS

Bantayan ang katotohanan

Balita Online by Balita Online
April 29, 2018
in CARITAS
0
Caucus lang ang kinailangan sa kaso ni Corona
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

By Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, sabi nga sa Ebanghelyo ni San Juan, “the truth will set you free.” Katotohanan ang magpapalaya sa atin. Ngunit sa panahon natin ngayon, marami ang pilit na itinatago o kaya naman ay binabaluktot ang totoo.

Gaya na lamang sa isyu tungkol sa kung sino nga ba talaga ang nanalong ikalawang pangulo ng Pilipinas. Nagpapatuloy ang manu-manong pagbibilang ng Presidential Electoral Tribunal o PET sa mga botong nakuha ng mga tumakbo sa pagka-bise presidente noong 2016. Tugon ito ng Korte Suprema sa election protest ng natalong kandidato na si Bongbong Marcos, anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, laban sa nanalo at kasalukuyan nating bise presidente na si Leni Robredo. Matatandaang bago pa man pormal na ideklarang pangalawang pangulo si VP Leni, inakusahan na siya ng kanyang kalaban ng pandaraya. (Talaga namang napakabihirang may tumanggap ng pagkatalo sa eleksyon dito sa Pilipinas; lagi na lang silang dinadaya.)

Halos dalawang taon na ang hidwaang ito sa pagitan nina Ginoong Marcos at VP Leni. Kapwa sila naghain ng mga counter-protests at motions for reconsideration. Kasabay ng mga ito ang batuhan ng putik ng kanilang mga taga-suporta, lalo na sa social media. Nariyang inakusahan si VP Leni ng pakikipagkuntsabahan sa Comelec at Smartmatic upang mabilang ang mga boto kahit maliit ang shade o pagkakaitim sa balota.

Samantala, nililito naman daw ng kanyang kalaban ang mga kasapi ng PET dahil sa kung anu-anong reklamo, gaya ng mga basáng balota at sa paglalabas ng mga testigong hindi naman pala rehistradong botante. Kaya mukhang mas marami pang tanong kaysa sagot ang lumalabas habang patuloy ang muling pagbibilang ng mga boto, ngunit nakalulungkot na may bahid ng malisya at personal na interes ang mga nasa likod ng electoral protest na ito. Mailap pa sa ngayon ang katotohanan sa likod sa isyung ito ngunit patuloy ang ating pag-asang lalabas ito sa takdang panahon.

Kabilang ang katotohanan o truth—kasama ng kalayaan, katarungan, at pag-ibig—sa mga tinatawag ng ating Simbahan na fundamental values of social life o mga batayang pinahahalagahan natin sa ating buhay-panlipunan. Mahalaga ang pag-iral ng katotohanan sa lipunan upang maisulong ang kagalingan ng lahat o ang common good. Kung kontrolado ng iilan ang katotohanan o kung pilit itong itinatago para isulong ang interes lalo na ng mga makapangyarihan, nahahadlangan ang pag-unlad ng bawat isa. Wika nga ni Pope Benedict XVI, “When… truth is violated, peace is threatened, law is endangered, then, as a logical consequence, forms of injustice are unleashed.” Kapag nilalabag ang katotohanan, nanganganib ang kapayapaan at ang pag-iral ng batas, at bunga nito ang kawalan ng katarungan.

Kaya bilang mga Kristiyano, tungkulin ng bawat isa sa ating laging kumiling sa katotohanan, ang igalang at maging responsableng saksi nito. Kung igagalang at ipaglalaban ng lahat ang katotohanan, at gagamitin itong gabay sa pagtugon natin sa mga hamong kinakaharap natin bilang isang bayan, tiyak na walang maiiwan, walang maaabuso, at walang mapagkakaitan ng katarungan.

Hamon sa pagpapahalaga natin sa katotohanan bilang isang bayan ang pagkuwestiyon sa integridad ng nakaraang halalan.

Susubukin nito ang ating mga institusyong may tungkuling hanapin ang katotohanan alang-alang sa isang malaya at makatotohanang eleksyon. Hindi lamang ang reputasyon ng magkalabang kampo ang nakataya sa isyung ito, kundi ang katotohanang maaaring magpatatag o kaya nama’y magpahina sa demokrasya sa ating bansa.

Bilang mga mamamayan, gamitin natin ang pagkakataong ito upang panindigan ang katotohanan—tutukan natin ang pagbibilang ng mga boto, suriing mabuti ang mga naririnig at nababasang balita, at sa halip na makipag-away sa mga hindi natin kasundo sa pulitika, subukin natin silang abutin nang mahinahon at may inihahaing ebidensya. Hindi natatapos sa pagboto ang pagiging isang mabuting mamamayan; naisasabuhay natin ito sa araw-araw na paninindigan at pagtataya para sa katotohanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Tags: Anton PascualBenedict XVILeni RobredoPresidential Electoral Tribunalsan juan
Previous Post

600 nasunugan sa sumabog na kalan

Next Post

SUF sisingilin sa mobile phone firms

Next Post
Preso bisitahin sa Semana Santa

SUF sisingilin sa mobile phone firms

Broom Broom Balita

  • DHSUD, ‘di nangongolekta ng membership fee para sa programang pabahay
  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
  • ‘True meaning of compassion’: Netizens, naantig sa batang kumukupkop ng stray cats
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.