• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

Kuta ng BIFF binomba, 44 patay

Balita Online by Balita Online
April 15, 2018
in Probinsya
0
probinsya
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nina FER TABOY at AARON RECUENCO

Aabot na sa 44 na katao ang nasawi nang bombahin ng militar ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Sa report ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naitala ang nasabing bilang ng napatay matapos ang magdamag na pagbobomba ng field artillery battalion ng Philippine Army (PA) at ng dalawang helicopter gunship ng Philippine Air Force (PAF) sa pinagtataguan ng BIFF sa lalawigan.

Nilinaw ng militar na puntirya ng airstrike ang kuta ng umano’y emir ng BIFF na si Shiek Esmail Abdulmalik, alyas “Kumander Abu Turaifie”, sa Sitio Ambiraya, Barangay Ganoy, Datu Salibo, Maguindanao.

Inaalam pa ng militar ang pagkakakilanlan ng mga napaslang.

Kaugnay nito, sinalakay ng militar at pulisya ang kampo ng isa pang BIFF commander na si Gani Saligan sa bayan ng Paglat.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Infantry Battalion, limang katao ang naaresto sa nasabing raid, na target na madakip si Sindatok Dilma, alyas “Motolite”, kanang kamay ni Saligan.

Sinabi ni Cabunoc na bandang 5:30 ng umaga nitong Biyernes nang salakayin nila ang hideout ni Dilma sa Bgy. Tual at naaresto roon ang limang armadong lalaki.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang tatlong matataas na kalibre ng baril at dalawang .45 caliber pistol.

Tags: Bangsamoro Islamic Freedom Fightersmaguindanao
Previous Post

PM May binatikos sa Syria airstrike

Next Post

16-anyos arestado sa gun ban

Next Post
probinsya

16-anyos arestado sa gun ban

Broom Broom Balita

  • Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics
  • ‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens
  • Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP
  • Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1
  • Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos
Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

October 4, 2023
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

October 4, 2023
Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

October 4, 2023
Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

October 4, 2023
Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.