• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Napoles sa WPP, ibinasura ng Sandiganbayan

Balita Online by Balita Online
April 11, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Czarina Nicole O. Ong

Walang nakikitang rason ang Sandiganbayan First Division para ilipat sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ) ang sinasabing “pork barrel” mastermind na si Janet Lim Napoles.

Si Napoles ay probisyonal na tinanggap sa WPP nitong Pebrero 27. Dahil dito, naghain siya ng urgent motion sa anti-graft court nitong Marso na humihiling na mailipat siya sa WPP mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Binanggit nito ang mga probisyon sa R.A. 6981 (Witness Protection, Security and Benefit Act) na nagsasabing ang mga witness ay dapat bigyang seguridad hanggang sa kanyang pagtestigo.

Gayundin, sinabi ni Napoles na dapat siyang magkaroon ng ligtas na housing facility hanggang sa mawala o kundi man ay mabawasan ang banta, intimidation o harassment laban sa kanya.

Bukod dito, nagsampa rin ng manipestasyon si Napoles sa korte at ibinahagi ang kanyang kuwento na “harassment, intimidation” sa kamay ng mga tauhan ng BJMP na nangyari umano noong Oktubre 12, 2017.

Subalit sa limang-pahinang resolusyon nitong Abril 5, ibinasura ng korte ang mosyon ni Napoles dahil sa kakulangan ng merito.

“To place accused Napoles into the custody of the WPP despite being presently under detention for a lawful cause is contrary to the clear and express import of Article IX, Section 1 of the IRR of R.A. 6981,” saad sa resolusyon.

Nahaharap si Napoles sa mga kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Tags: department of justiceJanet Lim-Napoles
Previous Post

Miciano, kampeon sa Asian Youth tilt

Next Post

Gerald, serye tungkol sa Marawi soldiers ang next project

Next Post
Gerald, serye tungkol sa Marawi soldiers ang next project

Gerald, serye tungkol sa Marawi soldiers ang next project

Broom Broom Balita

  • Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’
  • MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano
  • 2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City
  • Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila
  • Panuorin: Viral na pagbirit nina Jona at Darren sa classic Phantom of the Opera sa harap ni Songbird
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Panuorin: Viral na pagbirit nina Jona at Darren sa classic Phantom of the Opera sa harap ni Songbird

Panuorin: Viral na pagbirit nina Jona at Darren sa classic Phantom of the Opera sa harap ni Songbird

May 30, 2023
PBEd, iginiit na ‘unfair’ sabihing nabigo ang K to 12 program

PBEd, iginiit na ‘unfair’ sabihing nabigo ang K to 12 program

May 30, 2023
Kylie Verzosa, Pauline Amelinckx, ilang pang Pinay titleholders suportado ang paglaladlad ni Michelle Dee

Kylie Verzosa, Pauline Amelinckx, ilang pang Pinay titleholders suportado ang paglaladlad ni Michelle Dee

May 30, 2023
NCR, mananatili sa alert level 3; pilot areas para sa alert level system, pinalawig

OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, patuloy sa pagbaba

May 30, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Night Owl: Artificial Intelligence

May 30, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Night Owl: Smart cities

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.