• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Nathalie Hart, MYX celebrity VJ ngayong summer

Balita Online by Balita Online
April 10, 2018
in Showbiz atbp.
0
Nathalie Hart, MYX celebrity VJ ngayong summer
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

TAMPOK ngayong tag-init, sa buong buwan ng Abril, ang Sin Island star na si Nathalie Hart sa numero unong music channel ng bansa bilang MYX Celebrity VJ.

nathalie-hart1

Sasabak sa hosting ang kabigha-bighaning si Nathalie, at ipakikilala ang mga pinakasikat na international at local music videos sa mga manonood. Kaabang-abang din ang kanyang mga nakakaaliw na payo at opinyong ibabahagi tungkol sa pag-ibig.

Pangungunahan naman ni Yeng Constantino ang nakakabilib na live performances bilang MYX Headliner. Nagbabalik ang pop rock superstar matapos ang apat na taong pahinga mula sa recording sa pamamagitan ng pinakahihintay na album na Synesthesia mula sa Star Music.

Patutunayan naman ng young singer na si John Roa ang kanyang galing sa pag-awit bilang solo artist. Unti-unting umaangat ang ex-“Tawag ng Tanghalan” contender matapos ang kanyang mga proyekto sa ilalim ng Filipino hip-hop group na Ex-Battalion.

Samantala, dadalhin ng MYX, kasama ang Cinema One, ang bonggang musika sa La Union sa “Music and Movies Under the Stars,” na magtatampok sa hit film na Love You to the Stars and Back at live performances ng acoustic duo na Leanne and Naara at indie-alternative rock band na Autotelic.

Dagdag rin sa kasiyahan ang mga MYX VJ na sina Robi Domingo, Turs Daza, Sharlene San Pedro, Ai Dela Cruz, Sunny Kim, at Inigo Pascual, kasama si John Lapus, bilang hosts ng event na magaganap sa Kahuna Beach Resort.

Abangan si Nathalie bilang MYX Celebrity VJ sa Pinoy MYX hanggang Abril 7, sa Pop MYX sa Abril 8 hanggang 14, sa Mellow MYX simula Abril 15 hanggang 21, at sa My MYX mula Abril 22 hanggang 28. Panoorin ang MYX sa SKYcable channel 23 at SKYdirect channel 37. Bisitahin ang www.myxph.com, i-like ang @MYX.Philippines sa Facebook, at sundan ito sa Instagram (@myxph) at Twitter (@MYXPhilippines) para sa karagdagang impormasyon.

Tags: MYX Celebrity VJ saMYX saNathalie HartSunny Kimyeng constantino
Previous Post

Director na si Marvin Agustin

Next Post

CEU-Scorpions, asam ang Final Four

Next Post

CEU-Scorpions, asam ang Final Four

Broom Broom Balita

  • Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar
  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

September 29, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.