• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon SENTIDO KOMUN

Sumasagisag sa kapayapaan

Balita Online by Balita Online
April 4, 2018
in SENTIDO KOMUN
0
Sumasagisag sa kapayapaan
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Celo Lagmay

NATITIYAK ko na magkahalong galit at hapdi ng kaooban ang nadama ng halos 7,000 evacuees sa Marawi City nang sila ay payagan, sa unang pagkakataon, na dumalaw sa kani-kanilang mga tahanan. Galit, sapagkat ang kanilang dating maunlad na komunidad ay isa na ngayong wasak na siyudad o ruined city; hapdi ng kalooban, sapagkat naglaho ang pinanggagalingan ng kanilang ikinabubuhay. Ngayon, sa pahiwatig ng isang lumuluhang ginang, namamalimos na lamang sila sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Hanggang ngayon, sila ay nananatili sa mga evacuation centers.

Napapawi lamang ang kanilang pagkainip at sama ng kalooban dahil sa puspusang rehabilitasyon na isinasagawa sa siyudad. Halos isang taon ding hindi nila nasilip ang siyudad simula nang ito ay maging eksena ng malagim na digmaan sa pagitan ng ating mga pulis at sundalo at ng mga teroristang Maute Group. Ang naturang grupo ng mga rebelde ay kaalyado ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Halos 1,200 katao ang namatay sa naganap na madugong bakbakan.

Ang naturang labanan, sa aking pagkakaalam, ay naging dahilan ng kabiguan ng Maute Group na makapagtatag ng Southeast Asian base ng ISIS; isa naman itong tagumpay ng ating police at military forces na humantong sa pagkakabawi at ganap na paglaya ng Marawi City.

Gayunman, marapat lamang maunawaan ng ating mga kapatid na Muslim ang dahilan ng pagbabawal sa sinuman na mamalagi sa siyudad. Maaaring hindi pa ganap na ligtas na pamayanan iyon dahil sa mapanganib na mga bomba na pinaniniwalaang ibinaon ng mga terorista sa iba’t ibang panig ng komunidad; hindi malayo na ang mga ito ay bigla na lamang sumabog at madagdagan pa ang mga biktima ng malagim na digmaan. Totoong nakaiinip ang paghihintay ng ganap na rehabilitasyon subalit katumbas naman ito ng kanilang kaligtasan.

Isa pa, hindi rin maaaring ipagwalang-bahala ang mga alegasyon na ang mga rebeldeng Maute Group ay gumagawa ng mga estratehiya sa pag-asang maipagpapatuloy ang pagsakop sa Marawi City. May mga ulat na sila ay patuloy na nangangalap ng mga kaalyado sa iba’t ibang sulok ng bansa; at may mga ulat din na ang kanilang mga kaalyadong ISIS ay lihim na nagpapalakas ng puwersa – mga misyon na natitiyak kong tinututukan ng ating police at military intelligence unit.

Sa kabila ng mabuway pang sitwasyon sa Marawi City – na pinatatag naman ng puspusang rehabilitasyon – natitiyak ko na hindi na maglalaon at masasaksihan natin ang isang siyudad na sumasagisag sa kapayapaan.

Tags: iraqISISMarawi CityMaute Groupsyria
Previous Post

Anti-drug campaign sa Holy Week: 595 arestado, 1 patay sa NCR

Next Post

Hulascope – April 4, 2018

Next Post
Walang katapusan

Hulascope - April 4, 2018

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.