• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ingat sa produktong pampaputi

Balita Online by Balita Online
April 2, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Analou De Vera

Binalaan kahapon ng isang environmental watchdog ang publiko laban sa skin whitening product, na napaulat na nagtataglay ng mataas na level ng mercury o asoge.

Inalerto ng EcoWaste Coalition ang publiko laban sa umano’y mercury-laden na Temulawak New Day & Night Beauty Whitening Cream, kasunod ng pagkalat ng ulat ng ASEAN Post- Marketing Alert System (PMAS) ng Food and Drug Administration (FDA) tungkol dito.

“The product has been tested by the Department of Pharmaceutical Services, Ministry of Health, Brunei Darussalam as part of their post marketing surveillance laboratory analysis shows that the product is not compliant with the technical standards set forth by the ASEAN Cosmetic Directive (ACD),” ayon sa abiso.

Nakuha ng grupo ang naturang skin whitening set mula sa isang specialty store sa Quiapo sa Maynila, na nagbebenta ng imported food and health products na galing sa Indonesia at Malaysia.

Sinabi ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste, na ang nasabing produkto ay nagtataglay ng mahigit 1,000 parts per million (ppm) ng mercury, na mas mataas sa ipinapahintulot na hanggang 1 ppm.

Ayon sa FDA, ang mga taong malalantad sa mercury ay makararanas ng pag-iiba ng kulay ng balat, pamamanhid, pamamaga ng gilagid, pagiging iritable, at photophobia o pagiging sensitibo sa liwanag.

Tags: association of southeast asian nationsDepartment of Pharmaceutical ServicesEcoWaste Coalitionfood and drug administrationMinistry of Health
Previous Post

Happy birthday, Balagtas at PDU30

Next Post

‘Akyat-Bahay’ nahulog sa bintana, dinakma

Next Post

'Akyat-Bahay' nahulog sa bintana, dinakma

Broom Broom Balita

  • Magnitude 4.7 na lindol, muling nagpayanig sa Surigao del Sur
  • ‘Short hair era’ Karla Estrada, flinex ang kaniyang new haircut
  • Bulkang Mayon, ibinaba na sa Alert Level 2
  • Surigao del Sur, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol
  • The Voice PH Season 2 finalist Kokoi Baldo, pumanaw na
‘Short hair era’ Karla Estrada, flinex ang kaniyang new haircut

‘Short hair era’ Karla Estrada, flinex ang kaniyang new haircut

December 8, 2023
Bulkang Mayon, ibinaba na sa Alert Level 2

Bulkang Mayon, ibinaba na sa Alert Level 2

December 8, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

December 8, 2023
The Voice PH Season 2 finalist Kokoi Baldo, pumanaw na

The Voice PH Season 2 finalist Kokoi Baldo, pumanaw na

December 8, 2023
Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

December 8, 2023
PBBM: 6.4% GDP growth, senyales ng unti-unting pagtigay ng ekonomiya ng PH

PBBM sa Pista ng Immaculada Concepcion: ‘Share our blessings to the poor’

December 8, 2023
Jiggy Manicad, nagpasalamat sa pagiging bahagi ng TV5

Jiggy Manicad, nagpasalamat sa pagiging bahagi ng TV5

December 8, 2023
Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

December 8, 2023
Amihan, easterlies, patuloy na umiiral sa ilang bahagi ng bansa

Amihan, easterlies, patuloy na umiiral sa ilang bahagi ng bansa

December 8, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

December 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.