• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Enchong at Erich, sa Paris nagliwaliw

Balita Online by Balita Online
April 2, 2018
in Showbiz atbp.
0
Enchong at Erich, sa Paris nagliwaliw
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Reggee Bonoan

ANG taray, nasa Paris sina Enchong Dee at Erich Gonzales nitong Semana Santa.

eRICH AT ENCHONG

Hmmm, base sa mga litratong ipinost ng aktor sa Instagram ay sila lang ni Erich ang magkasama, kaya duda kami na baka taping ito ng The Blood Sisters na gumaganap sila bilang sina Dra. Carrie Ann Almeda at Dr. Samuel Hechanova.

Sa isang post ni Enchong, nasa loob sila ng isang museum at may caption itong, “She looked at the glass walls without knowing that beside her was the reflection of her eternity’s joy and sorrow, heaven and earth, laughter and pain, and everything opposite. It was a beautiful story of Love. @erichgg.”

Sinundan ito ng kuha sa kanila na magkayakap at kunwa’y maghahalikan habang nasa background ang Eiffel Tower at may caption na, “Ur love outshined any relationships because we genuinely and truly care for each other.”

Kilala namin si Enchong na kapag nagbabakasyon ay pamilya ang kasama pero dahil wala naman sa mga litrato ang mga mahal niya sa buhay, posibleng trabaho nga ang ipinunta nila ni Erich sa France.

Kung hindi namin kilala sina Enchong at Erich ay iisipin naming ‘sila na’ dahil ang sweet nila sa mga litrato.
Nasabi na namin minsan sa aktor na, ‘Bakit hindi na lang kayo ni Erich, pareho naman kayong single?’ Napatingin lang siya sa amin noon. Hmmm, hindi kaya napag-isipan na niya ang posibilidad?

Oo nga, Erich, bakit hindi na lang kayo ni Enchong? Tutal kilala na ninyo ang isa’t isa at sigurado naman kaming magkasundo kayo sa lahat ng bagay.

Pero ang komento ni Erich sa litratong magkasama sila ni Enchong sa harap ng Eiffel Tower, “Best friends thru thick and thin.”

Anyway, kung taping nga ito ng The Blood Sisters ay anong eksena kaya ito, honeymoon nina Dr. Samuel at Dra. Carrie o baka naman si Erika ( karakter din ni Erich) ang kasama at imposible naman na karakter ni Agatha ito.

Sure ako, Bossing DMB na hindi pelikula ang kinunan nina Enchong at Erich sa Paris dahil imposible silang makagawa habang halos araw-araw ang taping ng The Blood Sisters na talk of the town na ngayon dahil nagkita-kita na ang triplets at ang tunay nilang ina na si Adele (Cherie Pie Picache).

Tags: eiffel towerenchong deeerich gonzalesparisSamuel Hechanova
Previous Post

Bata sa dokyu ‘di kailangan ng permit

Next Post

Adamson Pep squad, wagi sa Singapore

Next Post

Adamson Pep squad, wagi sa Singapore

Broom Broom Balita

  • Lacuna: Motorcade, sa halip na prusisyon sa Biyernes Santo
  • Tig-₱23,000: ‘Paeng’ victims sa Cagayan, inayudahan na! — DSWD
  • ‘Kabahan na KathNiel, BarDa!’ Tambalan nina Joel Torre at Rubi Rubi, kinakiligan
  • Romualdez, itinalaga ang sarili bilang legislative caretaker ng distrito ni Teves
  • Bikini photo ni Jennica ‘Lumaban’ Garcia, gagawing wallpaper ni Christian Bables
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.