• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

GMA Network, humakot ng parangal sa 12th Gandingan Awards

Balita Online by Balita Online
April 1, 2018
in Showbiz atbp.
0
Anim na kuwento handog ng ‘Eat Bulaga’ ngayong Semana Santa
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MULING pinatunayan ng GMA Network na ito ang mas pinipili ng mga Iskolar ng Bayan sa hinakot na 28 awards sa Gandingan 2018: The 12th UPLB Isko’t Iska’s Multi-media Awards noong March 17 sa University of the Philippines sa Los Baños, Laguna.

Pinangunahan ni GMA News Pillar Mike Enriquez ang mga Kapuso personality na kinilala ngayong taon. Espesyal ang award na iginawad kay Mike — ang Gandingan ng Kapayapaan — para sa kanyang public affairs program na Imbestigador. Nilikha ang Gandingan ng Kapayapaan award ngayong taon kaugnay ng tema ng Gandingan 2018 na “Lipad tungo sa Kapayapaan”, na kumikilala sa mga radio station at TV network na nagsusulong ng peace and order sa kanilang mga programa.

Si Jessica Soho naman ay tumanggap ng Gandingan ng Kabataan para sa kanyang top-rating show na Kapuso Mo, Jessica Soho. Iginawad naman kay Drew Arellano ang Gandingan ng Edukasyon para sa kanyang info-tainment program na Aha, na kinilala bilang Most Development-Oriented Educational Program. Binigyan din ng UPLB ng Gandingan ng Kalikasan sina Dr. Nielsen Donato at Dr. Ferds Recio para sa kanilang travel and wildlife show na Born to be Wild.  Ang GMA News reporter naman na si Emil Sumangil ang nagwagi bilang Best Field Reporter.

Kinilala ang GMA Public Affairs’ special documentary na Sa Serbisyong Totoo, Nabago ang Buhay Ko, bilang Most Development-Oriented Public Service Program.

Nag-uwi rin ng dalawang awards ang GMA Entertainment Content Group para Legally Blind. Ang Afternoon Prime series na pinagbidahan ni Janine Gutierrez ay nagwagi bilang Most Development-Oriented Women’s Program at Most Gender Transformative Program.

Bukod sa Gandingan ng Kaunlaran award, humakot pa ng pitong pagkilala ang GMA News TV. Ang flagship evening newscast na State of the Nation with Jessica Soho ang kinilala bilang Most Development-Oriented News Program at nagwagi naman si Soho bilang Best News Anchor.

Kabilang sa GMA News TV programs na kinilala ang Investigative Documentaries (Most Development-Oriented Investigative Program); I Juander (Most Development-Oriented Magazine Program); Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie (Most Development-Oriented Talk Show);at Wagas (Most Development-Oriented Drama Program). Ang public service campaign naman ng GMA News TV na  “lKarapatan Mo, Juan” ang hinirang na Most Development-Oriented TV Plug.

Big winner din ang Radio GMA ngayong taon. Ang GMA flagship AM station na Super Radyo DZBB ang nagwagi bilang Most Development-Oriented AM Station, Most Development-Oriented AM Program ang Saksi sa Dobol B. Most Development-Oriented FM Station naman ang Barangay LS 97.1 DWLS FM habang ang Radyo Nobela, ang tinanghal na Most Development-Oriented FM Program. Ang Barangay LS radio personality na si Papa Dudut ang nagwaging Best FM Program Host para sa Barangay Love Stories.

Iniuwi naman ng GMA Regional TV ang apat na core awards, kasama na ang Most Development-Oriented TV Station. Ang core awards ay ibinibigay sa outstanding programs na pinalabas sa local, community, o regional radio at TV stations, kasama na rin ang mga gawa ng paaralan.

Hinirang ang top-rating local news program na Balitang Amianan bilang Most Development-Oriented News Program. Ang One Mindanao anchor na si Tek Ocampo naman ang nanalong Best News Anchor, habang si Lou-Anne Mae Rondina ng Balitang Bisdak ang kinilala bilang Best Field Reporter.

Dalawa pang awards ang iniuwi ng news website ng GMA News. Ang ulat nina Rie Takumi at Jessica Bartolome na Late Response, Clunky Policies Leave Saudi OFWs, Kin in Misery na nakakuha ng Most Development-Oriented Online News Article award habang ang ulat ni Chino Gaston na Deception and Regret: The Story of a Maute Child Warrior ang nanalong Most Development-Oriented Online Feature Article.

Tags: DZBBgma networkLou-Anne Mae RondinaRadio GMA
Previous Post

Giyera sa ‘Pasko ng Pagkabuhay’

Next Post

Pagmamahal at pag-asa ngayong Linggo ng Pagkabuhay

Next Post
Caucus lang ang kinailangan sa kaso ni Corona

Pagmamahal at pag-asa ngayong Linggo ng Pagkabuhay

Broom Broom Balita

  • OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%
  • TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ
  • Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo
  • Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan
  • Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

OCTA: NCR Covid-19 positivity rate, bumaba pa sa 19.9%

June 1, 2023
TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

June 1, 2023
Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

June 1, 2023
Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan

Coast guard drills, isasagawa ng PH, US, Japan sa Bataan

June 1, 2023
Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

Mahigit 400 estudyante sa Mandaluyong, nagsipagtapos ng tech-voc training

June 1, 2023
Unemployment rate sa bansa, tumaas sa 4.8% nitong Enero – PSA

45% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti kanilang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS

June 1, 2023
Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga

Toni Gonzaga, nagpakita ng suporta sa TVJ, Eat Bulaga

June 1, 2023
PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH

PRC, namahagi ng personal hygiene products sa elderly patients ng NCMH

June 1, 2023
‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga’: Isang leaf art, inihandog ng artist sa TVJ

‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga’: Isang leaf art, inihandog ng artist sa TVJ

June 1, 2023
PBBM: 6.4% GDP growth, senyales ng unti-unting pagtigay ng ekonomiya ng PH

PBBM, sinigurong nakatuon gov’t para suportahan bagong CPAs

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.