• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon Editoryal

Political will ang tatapos sa problema sa mga kolorum

Balita Online by Balita Online
March 28, 2018
in Editoryal
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SA pagkakatanda natin ay matagal nang may kolorum sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa. Ang mga sasakyang kolorum—mga bus, jeepney, at van—ay walang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Kaya naman nakikipagkumpetensiya sila sa mga rehistradong sasakyan, na masusing iniinspeksiyon at nagbabayad ng rehistro at buwis at kumpleto sa seguro.

Ang hindi pag-iinspeksiyon at hindi pagrerehistro ng sasakyan ay nauuwi sa pagsuway sa tamang maintenance procedures. Ang mga lumang makina ay nagbubuga ng makapal at maitim na usok. Mayroong pudpod na mga gulong. Pundido ang mga ilaw. At nagdudulot ang mga ito ng panganib sa mga pasahero at sa iba pang sasakyan sa kalsada.

Nakadadagdag sila sa pang-araw-araw na trapiko sa napakasikip na nga nating mga kalsada.

Sa aksidente nitong nakaraang linggo sa Sablayan, Occidental Mindoro, sinalpok at nawasak ng isang bus ang rehas na bakod ng isang tulay at bumulusok ito sa 15 talampakang bangin. Labinglimang pasahero ang agad namatay habang apat na iba pa ang nalagutan ng hininga habang isinusugod sa ospital. Sa pagkamatay ng 19, isa ito sa pinakamalalagim na aksidente sa kasaysayan. Nabulgar sa mga imbestigasyon ang mga paglabag sa pagmamantine sa makina, manibela, katawan, at gulong.

Pinili ni Pangulong Duterte ang mas matinding aksiyon. Ipinadidispatsa niya ang lahat ng kolorum o hindi rehistradong pampublikong sasakyan. “We have gotten used to vans that are unregistered, uninsured, and with unmaintained engines and tires, and we do not do anything about it almost every day,” sabi niya. Ang gobyerno rin, aniya, ang dapat sisihin sa paglipana ng mga kolorum na sasakyan dahil nagbubulag-bulagan ang mga enforcer sa paglabag at natatakot ang mga pulitiko na matalo sa eleksiyon. Napakaraming paglabag sa bansa na pinamimihasa ng mga enforcer dahil sa iba’t ibang dahilan—isang halimbawa ang pagtitirik ng mga bahay sa lupaing hindi pag-aari, ang pagtatapon ng basura sa pampublikong ilog, mga nagtitinda na nagsipaghambalang sa kalsada, ilegal na pagparada sa kalye, at iba pa. Sa ngayon, ang pamahalaan, ang pambansa at lokal, ay kinakailangang magpatupad ng batas sa lahat ng nabanggit na sitwasyon.

Lahat ito ay kinakailangan ng political will. Hindi madali ang pagdispatsa sa lahat ng kolorum na bus, jeep, at van dahil sa magiging resulta nito. Ngunit nagpalabas na ng direktiba si Pangulong Duterte kaya naman matapos ang napakaraming taon, posible na tuluyan nang mawawala ang mga kolorum na sasakyan sa bansa.

Tags: land transportation franchising and regulatory boardmetro manila
Previous Post

Duterte sa bahay lang magdiriwang ng kaarawan

Next Post

BSP: Mga bagong barya ‘di nakalilito

Next Post

BSP: Mga bagong barya 'di nakalilito

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.