• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

NBA: Pagbabalik ni Curry, natigil sa bagong injury; Warriors at Celts, wagi

Balita Online by Balita Online
March 24, 2018
in Basketball
0
Golden State Warriors guard Stephen Curry reacts during the second half of an NBA basketball game against the Memphis Grizzlies on Saturday, Oct. 21, 2017, in Memphis, Tenn. (AP Photo/Brandon Dill)
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

OAKLAND, California (AP) — Nagbalik si Stephen Curry mula sa anim na larong pahinga mula sa na injured na paa.

Ngunit, agad ding nagbalik sa dugout dahil sa bagong natamong pinsala sa kaliwang tuhod.

Nagsalansan si Curry ng 29 puntos bago naganap ang insidente kung saan nadaganan nang nawalan ng panimbang na si JaVale McGee ang kaliwang tuhod ng two-time MVP, ngunit naisalba ng Warriors ang 106-94 panalo kontra Atlanta Hawks nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Sa inisyal na pagsusuri, nagtamo si Curry ng sprained sa kanyang medial collateral ligament. Nakatakda siyang sumailalim sa MRI sa Sabado (Linggo sa Manila).

“Kind of a strange, cruel twist of fate,” pahayag ni Warriors coach Steve Kerr. “He rehabs his ankle for the last couple weeks, he gets that strong and then the knee goes. So we’ll see what happens and we’ll keep our fingers crossed.”

Nalukot ang mukha ni Curry sa sakit habang paika-ikang nagbalik sa bench may 3:09 sa third period. Hindi na siya nakabalik sa laro.

“I was just trying to block a shot and I ran into him,” sambit ni McGee.

Kumasa si Nick Young sa seasoned high 24 puntos, tampok ang anim na three-pointer para sandigan ang defending champions, naglalaro na wala ang mga injured ding superstar na sina Kevin Durant, Draymond Green at Klay Thompson.

“Getting close to postseason, you don’t want to see nothing like that,” pahayag ni Young.

Kasama ni Curry sina Young, Patrick McCaw, Jordan Bell at Zaza Pachulia sa starting line-up. Tumipa si Pachulia ng siyam na rebounds, habang tumipa si Bell ng 12 puntos.

CELTICS 105, BLAZERS 100
Sa Portland, Oregon, kumubra si Marcus Morris ng 30 puntos para sandigan ang kulang sa players na Boston Celtics kontra Trail Blazers. Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Portland matapos ang 13-game winning streak.

Nag-ambag si Terry Rozier ng 16 puntos sa Celtics, kasalukuyang No. 2 sa Eastern Conference sa likod ng Toronto, ngunit patuloy ang pakikibaka sa pagkawala sa injury nina All-Star Kyrie Irving at Jaylen Brown.

Kumubra sina Damian Lillard at CJ McCollum ng tig-26 puntos para sa Blazers, kasalukuyang nasa No.3 sa West sa likod ng Rockets at Warriors.

Umabante ang Blazers sa 12 puntos sa third quarter, ngunit nakadikit ang Boston sa 83-80 mula sa sa jumper ni Shane Larkin. Naagaw ng Boston ang bentahe sa 85-84 mula sa three-pointer ni Morris may 6:30 ang nalalabi.

Binalikat ni McCollum ang Blazers para muling mabawi ang bentahe sa Portland, subalit matikas si Horford sa three-pointer bago nakipagsabayan sina Jayson Tatum at Morris para sa 106-103 bentahe.

Galing ang Portland sa 115-111 kabiguan sa Rockets, na pumutol sa kanilang 13-game winning streak.

Bukod kay Irving, injury din sa Boston sina Jaylen Brown (concussion protocol), Marcus Smart (thumb surgery), Daniel Theis (knee surgery, out for season) at Gordon Hayward (ankle surgery rehab).

SPURS 124, JAZZ 120
Sa Antonio, nanaig ang karanasan ng Spurs, sa pangunguna ni LaMarcus Aldridge na may career-high 45 puntos, para mapataob ang matikas na Utah Jazz.

Naitala ng Spurs ang ikaanim na sunod na panalo at unang panalo sa Jazz ngayong season.

Nalimitahan ang pambato ng Utah na si Donovan Mitchell sa 14 puntos.

Kasalukuyang nasa NO.6 ang San Antonio sa Western Conference. Kumubra si Derrick Favors ng 12 pyntos added 22 points sa Utah at Ricky Rubio na may 20 puntos.

THUNDER 105, HEAT 99
Sa Oklahoma City, Ratsada si Russell Westbrook sa naiskor na 29 puntos, kabilang ang 17 sa final period at 13 rebounds at walong assists.

Tags: denver nuggetsGoran DragićJayson TatumPatrick McCawSteven Adams
Previous Post

Newcastle Disease outbreak sa Pampanga?

Next Post

Digong sa mga kolorum: Walang patawad!

Next Post
Digong sa mga kolorum: Walang patawad!

Digong sa mga kolorum: Walang patawad!

Broom Broom Balita

  • PH boat, sinalpok ng Chinese cargo ship sa Mindoro–5 mangingisda, nasagip
  • Sino nga ba si Anna Mae Yu Lamentillo?
  • Implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy, luluwagan ngayong Xmas
  • MWDs, isasama na sa cash aid beneficiaries ng Manila City Government
  • Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong
PH boat, sinalpok ng Chinese cargo ship sa Mindoro–5 mangingisda, nasagip

PH boat, sinalpok ng Chinese cargo ship sa Mindoro–5 mangingisda, nasagip

December 7, 2023
Lamentillo, kinilalang ‘Notable Female Government Leader of the Year’

Sino nga ba si Anna Mae Yu Lamentillo?

December 7, 2023
Implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy, luluwagan ngayong Xmas

Implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy, luluwagan ngayong Xmas

December 7, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MWDs, isasama na sa cash aid beneficiaries ng Manila City Government

December 7, 2023
Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong

Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong

December 7, 2023
‘RES-FAKE?’ Joey de Leon may pinasasaringan?

‘RES-FAKE?’ Joey de Leon may pinasasaringan?

December 7, 2023
VP Sara sa Neg Occ students: ‘Sikaping makapagtapos ng pag-aaral’

VP Sara sa Neg Occ students: ‘Sikaping makapagtapos ng pag-aaral’

December 7, 2023
Auto Draft

Celiz, Badoy ‘normal’ ang kondisyon matapos ang House check-up

December 7, 2023
Mga rescuer, nagtungo na sa pinagbagsakan ng eroplano sa Isabela — IMT

Mga rescuer, nagtungo na sa pinagbagsakan ng eroplano sa Isabela — IMT

December 7, 2023
NCR, mananatili sa alert level 3; pilot areas para sa alert level system, pinalawig

Eksperto: Publiko, hindi dapat mabahala sa ‘walking pneumonia’  

December 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.