• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

94% ng mga Pinoy, masaya at kuntento

Balita Online by Balita Online
March 21, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Isang record-high percentage ng mga Pilipino ang nagsabing napakasaya at kuntento sila sa buhay, ayon sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa resulta ng survey na isinagawa noong Disyembre 8-16, 2017, lumitaw na record-high na 94 na porsiyento ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nagsabing sila ay “very/fairly happy” sa kanilang buhay sa pangkalahatan, at record-high na 92% naman ang “very/fairly satisfied” sa buhay.

Sa 94% na very/fairly happy sa buhay, 57% ang napakasaya, 37% ang “fairly happy”, 5% ang “not very happy”, at 1% lang ang “not at all happy”.

Ito ay apat na puntos na mas mataas sa 90% very/fairly happy noong Setyembre 2017, at mataas ng dalawang puntos sa huling highest record na 92% noong Hunyo 1996.

Ang 57% sumagot na sila ay “very happy” ay record-high mula sa nakalipas na record na 46% noong Disyembre 2016.

Ayon sa SWS, ang kasayahan /happiness (percent very happy at percent fairly happy) ay laging mataas simula sa 85% sa unang survey ang SWS noong Hulyo 1991, sa tanong na “If you were to consider your life in general these days, how happy or unhappy would you say you are on the whole?”

Ang pinakamababang naitalang porsiyento ng kaligayahan ay nasa 78% noong Marso 2001.

Samantala, naitala rin ng SWS ang record-high 92% ng mga Pilipino na nagsabing sila ay “very/fairly satisfied with the lives they lead.”

Sa katanungan na “On the whole, are you very satisfied, fairly satisfied, not very satisfied or not at all satisfied with the life you lead?”, isang record-high na 56% ang sumagot ng “very satisfied”, 37% ang “fairly satisfied”, 6% ang “not very satisfied”, at 1% naman ang “not at all satisfied”.

Kung lugar ang pagbabasehan, natukoy sa December 2017 survey results na may siyam sa 10 na lahat na lugar ang masaya: pinakamataas sa Mindanao sa 96%, sinundan ng Luzon sa 95%, Visayas sa 94%, at Metro Manila sa 90%.

Pinakamataas naman ang unhappiness sa Metro Manila sa nakuhang 10%, kasunod ang Visayas sa 6%, Luzon sa 5%, at Mindanao sa 4%.

Tags: manilaMASAYAsurveysws
Previous Post

Anak kinuyog, ama inatake sa puso

Next Post

Berdugo ng kalikasan sa Zambales, nakasandal sa pader!

Next Post
Berdugo ng kalikasan sa Zambales, nakasandal sa pader!

Berdugo ng kalikasan sa Zambales, nakasandal sa pader!

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.