• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

SM-NBTC League, harurot sa 11th season

Balita Online by Balita Online
March 20, 2018
in Basketball
0
SM-NBTC League, harurot sa 11th season

PINAGTIBAY ng SM Prime Holdings Inc., sa pamamagitan ng SM Lifestyle Entertainment Inc. (SMLEI), ang suporta sa sports sa muling pakikipagtambalan sa International Basketball Academy of the Philippines bilang principal sponsor ng National Basketball Training Center (NBTC) League. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) SMLEI COO Herman Medina-Cue, Bounty Agro Ventures, Inc. president and general manager Ronald Mascariñas, NBTC program director Eric Altamirano at NBTC committee head Ato Badolato sa media launching ng SM-NBTC League National Finals kamakailan sa MOA Arena sa Pasay City.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

AKSIYONG umaatikabo ang natutunghayan sa 11th season ng SM-NBTC (National Basketball Training Center) League na nagsimula nitong Marso 18 sa MOA Arena.

PINAGTIBAY ng SM Prime Holdings Inc., sa pamamagitan ng SM Lifestyle Entertainment Inc. (SMLEI), ang suporta sa sports sa muling pakikipagtambalan sa International Basketball Academy of the Philippines bilang principal sponsor ng National Basketball Training Center (NBTC) League. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) SMLEI COO Herman Medina-Cue, Bounty Agro Ventures, Inc. president and general manager Ronald Mascariñas, NBTC program director Eric Altamirano at NBTC committee head Ato Badolato sa media launching ng SM-NBTC League National Finals kamakailan sa MOA Arena sa Pasay City.
PINAGTIBAY ng SM Prime Holdings Inc., sa pamamagitan ng SM Lifestyle Entertainment Inc. (SMLEI), ang suporta sa sports sa muling pakikipagtambalan sa International Basketball Academy of the Philippines bilang principal sponsor ng National Basketball Training Center (NBTC) League. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) SMLEI COO Herman Medina-Cue, Bounty Agro Ventures, Inc. president and general manager Ronald Mascariñas, NBTC program director Eric Altamirano at NBTC committee head Ato Badolato sa media launching ng SM-NBTC League National Finals kamakailan sa MOA Arena sa Pasay City.

Kabuuang 32 high school team, kabilang ang mga kampeon sa Filipino communities na nakabase sa Australia, Canada, New Zealand, at United States of America, ang sumasabak laban sa mga local team ngayong season.

Nitong Lunes, hataw si Jalen Green sa naiskor na 26 puntos para sandigan ang FilAm Sports-USA sa 92-56 panalo kontra De La Salle Lipa sa Cuneta Astrodome.

Nanguna si Matthew Virtucio sa La Salle sa natipang 14 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng No.11 Durham Crossover Canada, sa pangunguna ni Tyler Garcia na may 28 punto, ang No. 22 University of Baguio, 80-75.

Nagwagi ang No. 3 Chiang Kai Shek College kontra No. 30 St. Columban College-Pagadian, 68-44.

Sunod na makakaharap ng Blue Dragons ang No. 14 Letran Squires, nagwagi kontra No. 19 Assumption College of Davao, 86-83, tinalo ng No. 15 Lyceum-Cavite ang Camp David New Zealand, 85-59.

Itinuturing seeded entries ang UAAP Juniors champion Ateneo De Manila, NCAA Juniors division titlist La Salle Greenhills, CESAFI king University of Visayas, at MBL winner Chiang Kai Shek. Nakalaro naman tangan ang wild cards ang National University, Mapua, Sacred Heart School-Ateneo De Cebu, San Beda College, UST, Letran, at Adamson.

Kabilang din ang koponan mula sa Cagayan De Oro, Cavite, Davao, Midsayap, Baguio, Roxas City, Calamba, Bataan, Bacolod, Ormoc, Dumaguete, Pagadian, Dagupan, San Fernando, Naga, at Lipa City.

“Every year that we have been organizing the tournament, we have refined it to what it is now – a premier showcase for high school basketball,” pahayag ni SM-NBTC Founder Eric Altamirano.

“We have seen it grow from an initial few cities to over 70 cities all over the country. And it has also become a springboard for Fil-foreign teams to showcase their players who might want to study in the Philippines or play for the various national teams,” aniya.

“SM has been proudly supporting NBTC since 2015, as we believe in what they stand for: to champion the skills of the Filipino youth through sports development by applying the values of leadership, teamwork, excellence, and discipline,” sambit naman ni SM Prime Holdings Inc. Chairman to the Executive Committee Hans T. Sy.

“As part of the SM group, Mall of Asia Arena is also in proud support of SM-NBTC League by providing a venue with world-class facilities,” sambit ni SMLifestyle Entertainment Inc. Chief Operating Officer Herman Medina-Cue.

Tags: Assumption College of Davaochiang kai shek collegeEric AltamiranoHerman Medina-CueLa Salle GreenhillsMatthew VirtucioNational Basketball Training CenterNational UniversitySacred Heart Schoolsan beda collegeSM-NBTC LeagueSMLifestyle Entertainment Inc.St. Columban CollegeTyler GarciaUniversity of BaguioUniversity of Visayas
Previous Post

Relasyong JaDine, malayo pa sa kasalan

Next Post

Mga ahensiya ng gobyerno tulung-tulong sa ‘national branding’ ng ‘Pinas

Next Post

Mga ahensiya ng gobyerno tulung-tulong sa 'national branding' ng ‘Pinas

Broom Broom Balita

  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
  • Grace Poe tinukso si Chiz Escudero: ‘Love is worth fighting for’
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude-6.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.