• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

NBA: SALANTA!

Balita Online by Balita Online
March 12, 2018
in Basketball
0
NBA: SALANTA!
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Warriors, Celtics at Cavs, napingasan

MINNEAPOLIS (AP) — Tinuldukan ng Minnesota Timberwolves ang three-game skid sa pamamagitan ng paglupig sa Golden State Warriors, 109-103, nitong Linggo (Lunes sa Manila).

nba copy

Hataw si Karl-Anthony Towns sa nakubrang 31 puntos at 16 rebounds para sandigan ang Wolves sa pahirapang panalo at ipalasap sa defending champion ang ikalawang sunod na kabiguan na wala ang two-time MVP na si Stephen Curry.

Nanguna si Kevin Durant sa Warriors na may 39 puntos at 12 rebounds. Hindi naglaro si Curry na nagpaiwan para ipahinga ang na-sprained na kanang paa sa laro sa Portland, 108-125, nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Kumubra si Andrew Wiggins ng 23 puntos sa Timberwolves, nabigo ng dalawang ulit sa road game laban sa Warriors ngayong season.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 21 puntos sa Warriors,habang tumipa si Draymond Green ng 10 puntos, walong rebounds at pitong assists, at kumana si Zaza Pachulia ng 16 puntos at rebounds.

LAKERS 127, CAVS 113

Sa Cleveland, naitala ni Julius Randle ang career-high 36 puntos, at natikman ni Isaiah Thomas ang tamis ng paghihiganti sa panalo ng Los Angeles Lakers laban sa dating koponan na Cavaliers.

Mula sa 76-all sa pagtatapos ng third period, pinangunahan ni Thomas ang 22-3 run ng Lakers sa third period para maagaw ang momentum at maibaon ang Cavs sa double digit na bentahe.

Kumana si Thomas, ipinamigay ng Cavs sa three-team trade, ng 22 puntos habang umiskor si Brook Lopez ng 22 para bigyan buhay ang sisinghap-singhap na kampanya na makausad sa playoff.

Nanguna si James sa Cavs (38-28) na may 24 puntos, 10 rebounds at pitong assists, habang umiskor ang dating Lakers nasi Larry Nanace ng 16 puntos.

PACERS 99, CELTICS 97

Sa Boston, muntik nang maunsiyami ang kabayanihan ni Victor Oladipo sa Indiana Pacers.

Nanguna si Oladipo na may 27 puntos, ngunit nagtamo ng krusyal na turnover sa huling 1.5 segundo na nagbigay ng tsansa sa Celtics na agawin ang panalo.

Ngunit, nabigo si Terry Rozier na makatira nang maayos sa buzzer.

“We talk about being calm, and being poised,” sambit ni Indiana coach Nate bi McMillan, who had already seen his team blow last-minute lead to Boston when.

Humirit din si Myles Turner sa Indiana na may 19 puntos, kabilang ang game-winning baskets may 21 segundo ang nalalabi.

Sa iba pang laro winasak ng Nets ang Brooklyn Nets, 120-97; dinagit ng Atlanta Hawks kontra Chicago Bulls; pinaluhod ng Denver Nuggets ang Sacramento Kings, 130-104; pinatahimik ng New Orleans Pelicans ang Utah Jazz, 11-99.

Tags: Andrew Wigginsatlanta hawksBrook Lopezbrooklyn netsCELTICS 97 Sachicago bullsdenver nuggetsgolden state warriorskevin durantLarry Nanacelos angeles lakersMINNEAPOLISminnesota timberwolvesMyles TurnerPORTLANDsacramento kingsStephen CurryZaza Pachulia
Previous Post

2 granada, nahukay sa bahay

Next Post

Pinay 2018 World Bartender Champion

Next Post
Pinay 2018 World Bartender Champion

Pinay 2018 World Bartender Champion

Broom Broom Balita

  • Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics
  • ‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens
  • Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP
  • Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1
  • Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos
Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

October 4, 2023
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

October 4, 2023
Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

October 4, 2023
Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

October 4, 2023
Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.