• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

5 Abu Sayyaf sumuko sa Sulu

Balita Online by Balita Online
March 5, 2018
in Probinsya
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa militar sa Sulu, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) spokesman Army Capt. Jo-Ann Petinglay, ang mga sumukong bandido na sina Raddoh Jamah at Saddam Hussein, ng Talipao; Okim Jikiri at Abdulsali Abda Abdulkarim, ng Omar; at Ronnie Jamaari, alyas “Apo Eting”, 50, ng bayan ng Maimbung.

Ang unang apat ay sumuko sa 2nd Special Forces Battalion ng Joint Task Force Sulu, dakong 8:30 ng umaga.

Nilinaw ni Capt. Petinglay na isinuko rin ng apat ang kanilang mga armas, kabilang na ang isang M16 rifle, dalawang Garand rifle, at isang .45 caliber Colt pistol.

Kasalukuyan silang nakakulong sa 2nd Special Forces Battalion (SFBn) Headquarters sa Sitio Bayug, Barangay Samak sa Talipao, at dadalhin sa headquarters ng JTF Sulu sa Bgy. Bus-Bus sa Jolo, para sa kanilang medical test at custodial debriefing.

Nagboluntaryo namang magbalik-loob sa pamahalaan si Jamaari dahil na rin sa pressure sa kanya ng JTF sa Bgy. Niangkaan, Omar, Sulu nitong Sabado.

Ayon sa militar, isinuko ni Jamaari—na nagbabantay ng arms caché na may apat na M16 rifle at apat na M14 rifle na una nang narekober—ang kanyang M1 Garand rifle na may pitong bala.

Tags: 2nd Special Forces Battalionabu sayyaf groupArmed Forces of the Philippines-Western Mindanao Commandsulu
Previous Post

Oscar attendees, nagsuot ng Orange American Flag Pins

Next Post

Gusali gumuho, 4 patay, 24 sugatan

Next Post

Gusali gumuho, 4 patay, 24 sugatan

Broom Broom Balita

  • Abra, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.