• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kristoffer Martin, natupad ang dream na maging singer

Balita Online by Balita Online
February 28, 2018
in Showbiz atbp.
0
Kristoffer Martin, natupad ang dream na maging singer
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni NORA CALDERON

BATA pa ay mahilig nang kumanta si Kristoffer Martin, kahit aminado siya na hindi naman siya masyadong marunong. Pero dream niyang maging singer kaya sumali siya sa Little Big Superstar.

KRISTOFFER copy copy

“Pero hindi po ako pinalad na matapos man lamang ang talent search dahil sa second week, natanggal na ako,” kuwento ni Tun (palayaw niya) sa launching ng kanyang second single na Paulit-ulit sa GMA Records. “Hindi po nawala ang hilig ko sa pagkanta, nag-aral na rin akong tumugtog ng guitar at drums, pero wala akong formal voice lesssons at kung nagku-compose ako ng songs napapansin ko na puro masasakit.”

Sa Piling Mo ang first single ni Tun na naging theme song ng Alyas Robin Hood na pinagbidahan ni Dingdong Dantes.

Itong Paulit-ulit ay theme song naman ng Korean drama na Fight For My Way.

Kailan siya gagawa ng album?

“Takot po ako sa album, gusto ko munang mag-hit itong second single ko. Siguro po kung makagawa pa ako ng ibang kanta at magustuhan ng GMA. Sa ngayon po, since katatapos ko lang ng Super Ma’am, sa advanced acting workshop muna ako under Anthony Vova. Naghahanap din ako ng magandang location dahil gusto naming mag-franchise ni Bea (Binene) ng Potato Corner.”

Bakit si Bea ang kasosyo niya?

“Kami po kasi talaga ang barkada simula pa noon sa Tween Hearts, kami nina Alden (Richards) at nadagdag po sa amin si Rodjun (Cruz). Kahit po kami naba-bash kung minsan kapag magkakasama kami, hindi na lang namin pinapansin. Kung minsan mahirap po talaga iyong malaya kaming lumalabas kaya suggestion ni Alden sa amin, kung lalabas kami, huwag na naming i-post, tayu-tayo na lang ang nakakaalam kung anuman o saan man tayo pumupunta.

“Nakakaawa rin si Alden dahil lagi na lang siyang naba-bash, pero ang concern pa rin niya, kami, at siya pa ang nagso-sorry kung nasasama kami sa pangba-bash sa kanya. Paminsan-minsan lang naman na nakakapag-hiking kami ng bundok, maganda lang kung gusto naming kumain, kung may time ang isa’t isa nagkikita na kami, iyong pagkakaibigan na kapag tumawag ka, may makakausap ka.”

May non-showbiz girlfriend si Kristoffer, na naging kaklase niya noon sa San Beda College. Huminto muna siya sa pag-aaral at nag-focus sa acting at sa kanyang music.

Ang Paulit-ulit ay available for downloading and streaming sa iTunes, Spotify, Amazon at sa iba pang leading digital stores worldwide.

Tags: Amazondingdong dantesGMA Artist Centersan beda college
Previous Post

IBF champ, hahamunin ni Saulong sa Tokyo

Next Post

2 kabataang Pinoy, PH reps sa Vatican

Next Post

2 kabataang Pinoy, PH reps sa Vatican

Broom Broom Balita

  • Willie Revillame, binanatan ang netizens na natutuwa sa nangyayari sa ALLTV
  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.