• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Vitto Marquez, ‘di nagmana sa ama? 

Balita Online by Balita Online
February 27, 2018
in Showbiz atbp.
0
Vitto Marquez, ‘di nagmana sa ama? 
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Ador Saluta

NAMAMAYAGPAG bilang Hashtag member ng It’s Showtime si Vitto Marquez, anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Mukhang may mas malawak na tatahaking landas si Vitto dahil kasama rin siya sa barkada group na FBOIS na ilulunsad sa pelikulang Squad Goals ng Viva Films at contract star din siya ng Viva Artists Agency (VAA). Sa launh ng FBOIS, naitanong sa young hashtag member kung iiwanan na niya ang grupo sa It’s Showtime kapag nagkasunud-sunod na ang kanyang projects.

Vitto copy

“Hindi po ako umalis, I’m part of Hashtags at naging part na po ako ng Hashtags while doing the movie,” sagot ni Vitto.

Viva ang may pakulo ng FBOIS, kaya wala namang conflict kung maging member siya ng grupo at nasa Hashtags pa rin siya.

“Parang hindi naman po siya conflict of interest. Nagpaalam po ako sa Viva bago ako nag-audition sa Hashtags,” kaya may blessings daw kay Boss Vic del Rosario ang career moves niya. 

“Ang FBOIS po kasi ay parang tropa ng magkakaibigan na makikita nila sa pelikulangSquad Goals. Iba po ito sa Hashtags at huwag sanang dumating ‘yung time na papiliin ako kasi pareho kong gusto ‘yung dalawang grupo,” pahayag ng bagong aktor.

Aware ba siya na ang FBOI (f_ck boy) ay negatibo ang ibig sabihin?

“Actually, ‘yon po ‘yung unang naiisip talaga ng tao. Pero kami po ay may tig-iisang F sa pangalan namin. Katulad po ako, Fitboi. SiAndrew (Muhlach), Funnyboi. Si Julian(Trono), Flyboi. Si Jack (Reid), Fastboi at siDan (Hushcka), Funkboi,” isa-isa niyang pagpapakilala sa mga kasama.

F_ck boy ba siya sa tunay na buhay?

“Of course not,” natawang sagot ng binatilyo.

May tsismis kasing nakabuntis ang dalawa sa kanyang co-Hashtag members, ganoon din ba siya katulis?

“Sana po hindi,” aniya.   

Nag-ingat ba siya na huwag makabuntis?

“Siyempre, safe po tayo dapat. Sabi nga ng tatay ko, career muna,” agad niyang sagot.

Nagpa-practice siya ng safe sex?

“Of course, I mean, everyone should be, and para ano rin, risk-free.”

May payo din daw ang ama ukol sa safe sex.

“Ang payo niya sa akin is career muna. Before everything, pag-aaral and career.”

Hindi ba siya pinagdadala ng tatay niya ng condom sa wallet para protektado siya?

“Actually, umiiwas po ako. Ako na ‘yung mismong umiiwas na baka… Kasi one of the big factors is, naka-focus po ako sa career ko. And gusto kong maipakita na kung kaya ng tatay ko, kaya ko rin,” katwiran niya.

Ano ang isinasagot niya kapag sinasabing posibleng manahin niya ang pagiging chickboy ng kanyang ama? 

“Actually, maraming nagtatanong sa akin, lalo na’t junior ako, gusto ko lang pong sabihin, nagiging ganu’n po ang tingin ng mga tao dahil sobrang bait po ng tatay ko. May sinasabi po tayo, ‘yung mga apprentice po, ‘yung tinuturuan ng mga master, ay natututo nang mas maayos. Kasi, alam nila ‘yung pinagdaanan ng master nila. So, iiwasan po natin yun,” pahayag ni Vitto.

Tags: Alma MorenoApplication SoftwareEva EugenioGMA Artist Centerjoey marquezVic del RosarioViva Artists Agencyviva films
Previous Post

Terror group sa Mindanao, muling aatake?

Next Post

Regional WBO title, target ni Magramo

Next Post
Boxing | Pixabay default

Regional WBO title, target ni Magramo

Broom Broom Balita

  • ‘Face reveal!’ Baby Peanut, ipinakita na sa publiko nina Luis, Jessy
  • ‘Ungkatan na naman?’ ‘Dina-Alex issue’, nabuhay na naman dahil sa birthday ni Dina Bonnevie
  • Sen. Bong Go, isinulong ang free college entrance exams para sa academic achievers
  • OCTA: 7-day positivity rate ng COVID-19 sa bansa at sa NCR, bahagyang tumaas
  • Kantang ‘Tatsulok’, trending dahil sa pagsama ni Bamboo sa ‘Tingog ng Pasasalamat’ concert
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.