• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Galing ni KZ, muling sinubok sa ‘Singer 2018’

Balita Online by Balita Online
February 25, 2018
in Showbiz atbp.
0
Galing ni KZ, muling sinubok sa ‘Singer 2018’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Reggee Bonoan

MUKHANG sinusubok sa Singer 2018 ang pambato ng Pilipinas.

Sa episode six ay medley ng Mandarin songs ang kinanta ni KZ Tandingan at nakuha niya ang ikaanim na puwesto. Hindi siya napauwi o napatalsik sa competition dahil mataas ang score niya sa episode five bilang number one.

KZ copy

Nitong nakaraang Biyernes sa episode seven, muli na namang nasubok ang galing ni KZ dahil biglang pinapalitan ang kakantahin sana niya noong gabi bago ginanap ang paligsahan kaya na-stress nang husto ang dalaga.

“Actually, nagpalit lang sila ng kanta the night before, so medyo nagulantang ako,” sabi ni KZ. “Pero, at least, ‘yung ‘pinalit na kanta, medyo alam ko. Kaya lang, ‘pinabago pa rin nila ‘yung arrangement, so parang 6 AM nag-aareglo pa kami para lang meron akong makanta nu’ng gabi.”

May bagong pasok na challenger sa episode seven kaya nanibago ang lahat. At dahil sa biglaang pagpapalit ng piyesa ay ini-request ni KZ ang gitarista niyang si Macoy Portado sa kanyang performance para hindi na siya mahirapang mag-rehearse dahil kapado na nila ang isa’t isa.

“Mas naging komportable kasi. Kumbaga, may connection ba, na kahit magtinginan lang kami, alam na namin kung saan na kami pupunta.”

Napakaganda pa rin ng rendition ni KZ sa Say Something in acoustic version kaya muli niyang napahanga ang Chinese audience, ang bumoto sa kanya para makuha niya ang rank four.

Kaya hindi nalaglag, nasa top four pa rin ang Pinoy’s pride at muli siyang aabangan sa episode eight.

Samantala, nag-post naman ang manager ni KZ na si Erickson Raymundo ng video performance ng singer sa episode seven:

“I am proud to share with you KZ’s version of Say Something for Singer 2018 episode 7. KZ prepared a different song for this episode and the arrangement for that song came from the Philippines. Hunan Broadcasting System (HBS) decided last minute to change the song (Come Together ng The Beatles) because they felt the song is not well known in China and asked KZ to perform Say Something instead since this is one of the songs she performed during audition that really left a mark on them. We had to fly Macoy (her guitarist) last minute for this and she only got to rehearse this song on the day of the recording but still delivered an awesome performance.”

Tags: Eva EugenioMacoy PortadoTelevision in the Philippines
Previous Post

‘Best of the Seas’ ng ‘Pinas sa International Food Exhibition

Next Post

Kabataan, hinimok ni Torre na umiwas sa bisyo

Next Post
Kabataan, hinimok ni Torre na umiwas sa bisyo

Kabataan, hinimok ni Torre na umiwas sa bisyo

Broom Broom Balita

  • Vergeire: 300K pang Covid-19 bivalent vaccines, idinonate sa Pilipinas
  • Afam, naispatang kumakain ng tira-tirang pagkain sa isang mall
  • MPL Philippines Season 11, gaganapin sa Makati
  • Fans ni Taylor Swift, pabirong hinikayat na solusyonan ang mataas na presyo ng itlog sa US
  • Isang grupo ng community pantry, tinutulungang magbenta ang mga magsasaka ng sibuyas
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.