• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Xian, matutuwa kung masa-shock si Kim Chiu sa hot scenes sa ‘Sin Island’

Balita Online by Balita Online
February 16, 2018
in Showbiz atbp.
0
Xian, matutuwa kung masa-shock si Kim Chiu sa hot scenes sa ‘Sin Island’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Jimi Escala

LAKING pasasalamat ni Xian Lim na kahit hindi si Kim Chiu ang leading lady niya ay malakas pa rin ang suporta ng KimXi fans sa kanya. Kaya pagbubutihan niyang lalo ang acting niya dahil ‘yun na lang daw ang maaaring iganti niya sa fans niya.

XIAN copy

Ngayong tapos na ang promo period at pinipilahan na sa mga sinehan ang pelikulang Sin Island, pagkakaabalahan naman niya ang shooting ng Miss Granny movie kasama sina Sarah Geronimo at James Reid under Viva Films.

Kuwento ni Xian, nakapag-shooting na siya with Sarah at aminado siya na na-starstruck siya nang husto kahit madalas naman niya itong nakikita.

“Sa totoo lang, eh, sobrang natulala ako. Nakaka-starstruck. Kasi hindi ko in-expect na makakasama ko siya, hindi ko in-expect na magkakatrabaho kami. Noong ipinakilala ako ni Direk Joyce (Bernal) sa kanya, eh, sabi ko, ‘hello’, lang,” banggit pa ni Xian.

Dati na silang nagkikita ni Sarah sa ASAP pero hanggang ngiti at batian lang, walang kuwentuhan.

“Sa totoo lang naman kasi sa ASAP, nagmamadali lahat ng mga tao sa studio, parang… you know what I mean. But this time, di ba, parang me working with a person I always wanted to work with, iba, talaga,” kuwento ng isa sa mga nominado for best supporting actor sa darating na Star Awards for Movies na gaganapin sa Resorts World Manila sa Sunday, February 18.

Sey pa ni Xian, natuwa siya sa warm welcome sa kanya ni Sarah at pakiramdam niya ay hindi raw siya nagkamali na maging bahagi ng Viva family.

Samantala, matutuwa si Xian kung masa-shock si Kim Chiu sa mga daring na eksena niya with Coleen Garcia and Nathalie Hart sa Sin Island.

Hot na hot at matitindi naman talaga ang love scenes ni Xian sa dalawang leading lady niya.

“Well, maybe I guess,that’s a good thing at sana nga masa-shock si Kim, hindi lang naman si Kim, sa mga fans ko, eh, nasorpresa rin sila,” natatawang sabi ng aktor.

May mga nakapanood na nga raw ng Sin Island na direstahang itinanong sa kanya kung bakit nagawa niya ang daring sex scenes.

“Well, as I have said, what makes me so passionate is suprising people with the things I was never expected to do,” napatawang sagot ng Kapamilya actor.

Naitanong din sa kanya ang posibleng maging reaksiyon ni Kim.

“Well, wala naman siguro. I mean, kami nga kasi, eh, nandito na talaga kami sa point na parang we want to do more films, kami man ang magkasama o hindi. Marahil bonus na ‘yan kapag kami ang magkasama but kung hindi, eh, andu’n kami sa point na parang we just want to do it all,” seryosong paliwanag ni Xian.

Napag-usapan na raw nila ni Kim na pagdating sa tatanggaping roles at pelikula ay wala silang pakialamanan.

“Usually sa mga ginagawa naming project, eh, hindi naman kami ‘yung nakikialam sa anumang role namin. Para sa amin, eh, masaya kami when we get to express ourselves and everytime na may trabaho kami, talagang parang doon na talaga nagbu-burn ang passion naming,” lahad ni Xian.

Dinudumog na sa mga sinehan ang Sin City sa direksiyon ni Gino Santos under Star Cinema

Tags: Coleen GarciaDirek JoyceGino SantosJames ReidKim ChiuNathalie Hartsarah geronimostar cinemaviva films
Previous Post

Perpetual, kumakatok sa NCAA history

Next Post

May ibang laban si Boybits

Next Post
May ibang laban si Boybits

May ibang laban si Boybits

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.