• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

May ibang laban si Boybits

Balita Online by Balita Online
February 16, 2018
in Basketball
0
May ibang laban si Boybits
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Ernest Hernandez

HINDI matatawaran ang tapang ni Emmanuel ‘Boybits’ Victoria sa hard court. At sa bawat laban, asahang buhos ang lahat sa dating PBA Rookie of the Year – kasama na ang pamato’t panabla.

boybitz copy

Ngunit, matapos ang mahigit isang dekada nang lisanin ang pro league, iba pang laban sa buhay ang kasalukuyang sinusuung ni Boybits, gayundin ang kanyang mga mahal sa buhay.

Kasalukuyang nakikipaglaban sa buhay ang isa sa pinakamahusay na point guard na naglaro sa collegiate hanggang sa pro league matapos isugod sa ICU ng San Juan de Dios Hospital. Kamakailan lamang, nasuri ng mga ispesyalista ang karamdaman ni Boybits — Guillan-Barre Syndrome (GBS) – isang pambihirang sakit kung saan inaatake at pinahihina ng virus ang nerve cells ng peripheral nervous system.

Ayon sa nakababatang kapatid na si Bing, lumalala ang kalagayan ng kapatid.

“May mga symptoms na maging slower ang recovery daw ni Boy,” pahayag ni Bing.

“Doctor is transparent enough to say respiratory is already damaged too. That is why, within the week or sooner, he will do a tracheostomy. Aalisin intubation, bubutasan siya sa throat, at nakakabit sa ventilator/respirator kasi yun ang best supportive care for him in the long run,” aniya.Sa kasalukuyan, humihinga si Boybits sa tulong ng life support machines.
“Until he can breath on his own ang pagtanggal ng ventilator. Ventilator din ang rehab ni Boy (re: respiratory muscles niya). He is still in GBS critical period this week, until next, rough estimate,” aniya.

Nagsimula na ring mapektuhan bunsod ng komplikasyon ang paningin ni Boybits, gayundin ang respiratory muscles, upper at lower extremities. Kumakain siya sa pamamagitan ng ‘tube feeds’.

Mula sa San Beda College hanggang sa Swift Mighty Meaty, Sunkist, at San Miguel Beer sa PBA, napatanyag si Boybits hindi lamang sa angking kagisigan, higit ang talento sa sports na minahal niya ng kanyang buong katauhan.

Sa kasalukuyan, hinihiling ng pamilya ni Victoria ang panalangin para sa lubusan niyang kagalingan at pinansiyal na tulong para masustinihan ang malaking halagang kinakailangan sa kanyang pang-araw-araw na gamutan.

Tags: Dencio PadillaErnest Hernandezsan beda collegeSan Juan De Dios Hospital
Previous Post

Xian, matutuwa kung masa-shock si Kim Chiu sa hot scenes sa ‘Sin Island’

Next Post

Olivia de Jesus, bagong COO ng ABS-CBN Global

Next Post
Olivia de Jesus, bagong COO ng ABS-CBN Global

Olivia de Jesus, bagong COO ng ABS-CBN Global

Broom Broom Balita

  • Lumakas ulit! Magnolia, inubos ng TNT Tropang Giga
  • 2 daan sa Metro Manila, isasara muna dahil sa weekend road reblocking, repair
  • Panourin: ‘Little Maria Clara’ Julie Ann San Jose, tawang-tawa habang kumakanta sa Eat Bulaga
  • Rehabilitasyon ng mga nasirang eskwelahan dulot ng lindol sa Davao de Oro, aabot sa ₱7-M
  • ‘Maria Clara at Ibarra’ star David Licauco, pinangarap na makapag-asawa sa edad na 27
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.