• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Arjo at Sue, kaduda-duda na ang sweetness

Balita Online by Balita Online
February 16, 2018
in Showbiz atbp.
0
Arjo at Sue, kaduda-duda na ang sweetness
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Reggee Bonoan

HINDI nagpahuli sina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa pagpapakilig ng kanilang supporters nitong Araw ng mga Puso. Nag-post ang dalawa ng video na kumakanta ang aktres ng Cry ni Mandy Moore.

ARJO AT SUE copy copy

Chorus ang kinakanta ni Sue na, “in places no one will find, all your feelings deep inside” at si Arjo ang back-up ng, ‘deep inside’ at nagkakatawanan ang dalawa.

Umabot sa 40,600 ang views sa video ng ArSue o PaNa sa loob lang ng 3 oras at 116 comments kinikilig sila sa dalawa kapag napapanood sa Hanggang Saan teleserye.

Nalaman namin na ang gumaganap na Yaya Letty ni Sue sa serye na si Ms. Ces Quesada ang nagprisintang presidente ng kanilang love team.

Kinikilig daw ang batikang aktres kapag nakikitang magkasamang masaya at kung anu-ano ang pinag-uusapan off-cam nina Arjo at Sue.

Tinanong namin ang aming source kung hindi nagseselos ang real life partners nina Sue at Arjo sa kaduda-duda nang sweetness ng dalawa.

“Ay, ewan ko po, ask mo silang dalawa kasi kapag nasa set sila ang sweet nila. Siguro talagang pinaninindigan nila ang karakter nilang Paco at Anna,” sabi sa amin.

Bilib din naman kami sa partner ng aktor at aktres na hindi pumipiktyur kahit siguro nakararamdam na sila ng selos, ayaw siguro nilang makasira sa love team nina Arjo at Sue. At least, understanding at professional sila.

Pero teka, hindi ba nagkakadebelopan ang ArSue na parati silang magkasama?

“Hindi po masabi kasi sweet sila, eh. ‘Pag tinutukso sila sa set, tumatawa lang sila,” sagot ng source.

Anyway, hindi nakalimutan ni Arjo na padalhan ng Valentine balloons ang kanyang inang si Sylvia Sanchez, inilagay niya iyon sa kuwarto at ipinost na may nakasulat na, “Thank you to @cestcagiftworks for helping me pick out a gift for my Mom! #HappyValentinesDay!” Umabot ng 3k ang likes sa sa post sa loob lang ng 30 minuto.

Nag-post din si Sue sa Instagram ng litrato nila ni Arjo na magkayakap at may caption na, “Happy Wednesday! Ang gwapo naman ng Valentine mo, Anna! #HSMarkado #TeamPaNa.”

Tsinek namin ang laman ng IG ni Sue at puro litrato nila ni Arjo ang laman bukod pa sa mga pino-promote niyang produkto. At gayun din ang aktor na puro ang aktres ang laman bukod sa pamilya’t mga kaibigan.

Tags: Mandy Mooremedical equipmentSylvia Sanchez
Previous Post

7 sa NPA, 3 Sayyaf sumuko

Next Post

Barzaga Chess Team vs NCR sa Face Off

Next Post
Barzaga Chess Team vs NCR sa Face Off

Barzaga Chess Team vs NCR sa Face Off

Broom Broom Balita

  • Bikini photo ni Jennica ‘Lumaban’ Garcia, gagawing wallpaper ni Christian Bables
  • Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection
  • ‘Pinagbebenta ng tiket?’ Lead vocalist ng bandang Lily, dismayado raw kay Rendon
  • Patay sa nasunog na barko sa Basilan, 12 na!
  • 1 patay, 4 na-rescue sa nasunog na barko sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.