• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ina, 2 anak patay sa landslide sa Surigao

Balita Online by Balita Online
February 14, 2018
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni MIKE U. CRISMUNDO, at ulat ni Chito A. Chavez

BUTUAN CITY – Isang ginang at mga anak niyang edad anim at tatlo ang nasawi, habang nakaligtas naman ang kanilang padre de pamilya nang matabunan ng lupa at mga bato ang kanilang bahay sa Purok 8, Barangay Gamuton sa Carrascal, Surigao del Sur, kasabay ng pagla-landfall ng bagyong ‘Basyang’ bandang 9:15 ng umaga kahapon sa kalapit na bayan ng Cortes.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Irene Lamela Benguillo, 33; AJ Benguillo, 6; at MJ Benguillo, tatlong taong gulang. Ginagamot naman sa ospital si James Benguillo, 33 anyos.

Inaalam naman ng lokal na pamahalaan ng Carrascal ang pagkakakilanlan ng iba pang nakaligtas sa landslide sa mga liblib na barangay ng Gamotan at Babuyan.

Kasabay nito, isang 10-anyos na babae ang nalunod makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig sa Purok 3, Bgy. Anislagan sa bayan ng Placer.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rosaline E. Gabeligno, Grade 5 student ng Barangay Anislagan Elementary School, na nalunod bandang 7:00 ng umaga kahapon.

Nasa 629 na pamilya naman, o 2,236 na katao ang apektado ng pananalasa n Basyang sa Caraga region habang isinusulat ang balitang ito.

Suspendido ang klase at maging ang mga paglalayag sa rehiyon dahil sa bagyo.

Nasa 26 na lugar ang isinailalim sa Signal No. 1, na namataan sa Bohol Sea bandang 4:00 ng hapon kahapon makaraang tumawid sa mga lalawigan sa Surigao at Agusan Del Norte.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), natukoy ang mata ng Basyang sa 60 kilometro (km) sa katimugan ng Maasin City, Southern Leyte at may lakas na 55 kilometers per hour (kph) na may bugsong aabot sa 80 kph.

Previous Post

NBA: NASA TONO!

Next Post

‘Sin Island,’ kuwentong hiwalayan at kaliwaan

Next Post
‘Sin Island,’ kuwentong hiwalayan at kaliwaan

'Sin Island,' kuwentong hiwalayan at kaliwaan

Broom Broom Balita

  • Vergeire: 300K pang Covid-19 bivalent vaccines, idinonate sa Pilipinas
  • Afam, naispatang kumakain ng tira-tirang pagkain sa isang mall
  • MPL Philippines Season 11, gaganapin sa Makati
  • Fans ni Taylor Swift, pabirong hinikayat na solusyonan ang mataas na presyo ng itlog sa US
  • Isang grupo ng community pantry, tinutulungang magbenta ang mga magsasaka ng sibuyas
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.