• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Mike Tan, pilit inilihim ang kasal sa non-showbiz girlfriend

Balita Online by Balita Online
February 12, 2018
in Showbiz atbp.
0
Mike Tan

Mike Tan

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mike Tan
Mike Tan
SA presscon today ng new Afternoon Prime ng GMA-7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, aabangan namin kung paano sasagutin ni Mike Tan, isa sa mga bida ng soap, ang tanong tungkol sa kanyang status.
  

Sagutin kaya ni Mike ang tanong, dedmahin o kaya’y makiusap sa press people na ‘wag na siyang tanungin tungkol dito?
  
Ikinasal kasi si Mike last December 2017 sa matagal na niyang non-showbiz girlfriend, pero inilihim at walang press people na invited. Ang mga invited sa wedding, pinakiusapang huwag mag-post ng picture sa social media na in fairness, sinunod naman.
  
Parang wala ring mga kaibigang artista si Mike na invited sa wedding at kung meron man, sinunod ang request niya na kung kukuha man ng picture, ‘wag nang i-post sa social media.
 
Pero, may nakalusot pa ring nag-post ng picture ng ikinasal, naka-sideview nga lang si Mike, hindi kita ang mukha, pero nakilala pa rin siya. Kaya hihintayin namin ang magiging reaction ‘pag tinanong sa kanyang status.
  
Ang nadinig namin, para sa career kaya ayaw sanang ipaalam ni Mike na ikinasal na siya. Pero, wala naman siyang ka-love team at walang love team na masisira ngayong kasal na siya.
  
Isa pa, ang kapareha niya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na si Yasmien Kurdi ay may asawa’t anak na at alam ito ng lahat. Sa Ika-6 Na Utos, si Sunshine Dizon naman ang love interest niya na alam din ng lahat na may asawa (hiwalay nga lang) at may mga anak.
  
Naku, hayaan na nga lang natin si Mike at siguro naman may malaking rason kung bakit hindi ipinaalam na nag-asawa na siya. Sa interview namin sa kanya sa pictorial ng bagong soap ng GMA-7, wala pa raw siyang balak mag-asawa at “hopefully soon” ang sagot sa tanong kung kailan sila ikakasal ng GF.
  
Anyway, tungkol sa HIV+ patient ang tema ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na napapanahon dahil tumataas ang bilang ng mga Pinoy na HIV+. Maganda ang objective ng production na iparating sa viewers ang pagkakaiba ng HIV at AIDS.
  
Challenge kay Mike ang pagganap sa role ng lalaking HIV+ patient ang asawa at dagdag na conflict na may mga anak sila. Sa February 26, ang pilot ng soap sa direction ni Neal del Rosario. –Nitz Miralles

Tags: Mike Tansunshine dizonyasmien kurdi
Previous Post

Big-time oil price rollback naman!

Next Post

Laylo and Friends, nanalasa sa Face Off

Next Post
Chesss (Photo by Luiz Hanfilaque on Unsplash)

Laylo and Friends, nanalasa sa Face Off

Broom Broom Balita

  • Maligo nang pagod? Gawaing ‘akala mo masama, pero hindi pala,’ binasag ng isang doktor
  • ₱7.5M marijuana plants, winasak sa Ilocos Sur, La Union
  • Unico hijo nina Lotlot at Monching na si David, viral sa kaniyang One Direction cover
  • Isang sekyu, naging instant babysitter
  • 92% ATMs sa bansa, naglalabas na ng ₱1k polymer banknotes
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.