• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Sino ang stage mother ni Erich?

Balita Online by Balita Online
February 8, 2018
in Features, Showbiz atbp.
0
Sino ang stage mother ni Erich?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Reggee Bonoan

BAGO kami dumalo sa mediacon ng The Blood Sisters ni Erich Gonzales ay nakatsikahan namin si Kris Aquino sa pagbubukas ng bagong Chowking outlet niya sa Araneta Avenue corner Quezon Avenue nitong Lunes.

ERICH copy

Nalaman ni Kris na dadalo kami sa mediacon ni Erich at ikinuwento niya na nagkausap sila ng dalaga na umaming kabado sa bago nitong serye kasi nga Wildflower ni Maja Salvador na napakataas ng ratings ang papalitan nito.

Pressured nga naman si Erich, pero pinayuhan siya ng kanyang over-protective na Ate Kris na huwag matakot at magtiwala sa sarili.

“Sabi ko kay Erich, huwag siyang matakot, ‘tapos sa presscon mo, sabi ko, sumagot siya. Di ba kasi tahimik siya?

Hindi siya masyadong matsika kasi kabado. O kaya tatawa na lang,” kuwento ni Kris.

Sa intimate interview kay Erich, ikinuwento rin niya na lagi silang nag-uusap ng Ate Kris niya at sinabi pang ‘stage mother’ niya ang Queen of Online World at Social Media.

“We keep in touch. She checks on me, like, sabi niya, ‘Grabe, stage mother ako.’ May mga reminders siya sa akin today, ‘Stop giggling, okay?’

“Sabi ko, ‘Ate, parang ano, mahirap ‘yan, kasi parang ‘yan na talaga ako.’ ‘Stop giggling, dapat serious ka, para serious actress.’ Sabi ko, ‘Alam na nila ‘yan wala tayong itinatago, mahirap magpanggap.’”

At kahit na laging masama ang pakiramdam ni Kris dahil overworked ay hindi raw nito nakakalimutang kumustahin si Erich tulad ng, “‘Are you getting enough rest?’ ganyan siya. Super sweet. Talagang nandiyan lang siya lagi to support me in everything that I do,” kuwento ng dalaga.

Paano nagsimula ang friendship nila ni Kris Aquino?

“Siguro ‘yung pagiging authentic lang talaga. I mean, hindi naman namin pinu-force ‘yung mga bagay para magmukhang ano (pilit), mag-pretend tayo na we’re close. Talagang I genuinely care for her kids si Kuya (Joshua), kay Bimbs to the point na kahit wala siya sa house, I go and visit them, di ba?

“Kumbaga, just to let them know nandito si Ate, di ba? Spend lang time with them. Talagang through good times and bad times, we’re just there for each other,” kuwento ni Erich.

Ibinilin ni Kris sina Josh at Bimby kay Erich habang nasa shooting siya ng horror movie na ipalalabas sa iflix at ididirek ni Adolf Alix.

Sabi ni Kris noong nakatsikahan namin siya sa bahay niya pagkatapos ng Siargao block screening, “Sinabi ko kay Erich na dalawin niya ang two boys habang wala ako, though malapit naman ang mga sisters ko dito sa bahay. Wala lang, just to check them.”

Ganito kalalim ang friendship nina Kris at Erich.

Tags: Adolf Alixerich gonzalesEva EugenioGMA Artist CenterIke Lozadakris aquinomaja salvadorOnline World
Previous Post

UST Spikers, kumikig sa UAAP

Next Post

PBA DL: CEU Scorpions, kumasa sa Batang Baste

Next Post

PBA DL: CEU Scorpions, kumasa sa Batang Baste

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.