• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

PBA: Wang’s, ilalaban ang pedestal sa D-League

Balita Online by Balita Online
February 5, 2018
in Basketball
0
Mike Nzeusseu ng Zark' Jawbreakers - LPU (PBA Images)

Mike Nzeusseu ng Zark' Jawbreakers - LPU (PBA Images)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
Mike Nzeusseu ng Zark' Jawbreakers - LPU  (PBA Images)
Mike Nzeusseu ng Zark’ Jawbreakers – LPU (PBA Images)

Mga Laro Ngayon (Pasig City Sports Center )
2:00 n.h. — Zark’s Burger-Lyceum vs Wangs -Letran
4:00 n.h. — JRU vs University of Perpetual

ITATAYA ng Wang’s-Letran ang kanilang pangingibabaw habang tatangkain ng Zark’s Burger -Lyceum na palawigin ang kanilang winning streak sa pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Pasig City Sports Center.

Namumuno sa kasalukuyan ang Couriers taglay ang malinis na markang 2-0, kasalo ng Jose Rizal University habang hindi naman nalalayo sa kanila ang Jawbreakers na matapos mabigo noong opening day ay nagtala ng tatlong sunod na tagumpay.

Maghaharap ang dalawang koponan sa pambungad na laro ganap na 2:00 ng hapon ng nakatakdang double header na susundan ng tampok na salpukan sa pagitan ng Heavy Bombers at University of Perpetual Help ganap na 4:00 ng hapon.

Unti -unti ng nakapag -adjust sa lebel ng laro sa liga, nangako si Jawbreakers coach Topex Robinson na paghahandaan nila ng husto bawat laban at sisikaping mahigitan ang mga nagdaan nilang performance.

Para naman kay Couriers coach Jeff Napa, sisikapin nilang makabawi sa dalawang kabiguang nalasap sa kamay ng Lyceum na siyang kumakatawan at ka-tie-up ng Zark ‘’s sa nakaraang NCAA Season.

Sa tampok na laban, magtatangka din ang Heavy Bombers na manatiling nangingibabaw sa pagpuntirya ng ikatlong sunod nilang tagumpay kontra Altas na hangad namang makapagtala ng back to back wins.

Huling tinalo ng tropa ng pinakabatang mentor ng liga na si Gio Lasquety ang Go for Gold -St. Benilde habang nagwagi naman ang Altas para sa unang panalo ni coach Frankie Lim bilang bago nilang mentor ang AMA Online Education. – Marivic Awitan

Tags: Frankie LimJeff NapancaapbaTopex Robinson
Previous Post

Davao at Hawaii cities partner sa pag-unlad

Next Post

EU, bukas ang pinto sa PH

Next Post

EU, bukas ang pinto sa PH

Broom Broom Balita

  • Isang artista sa ‘Dirty Linen,’ tamad daw umarte, okray ni Ogie Diaz
  • ‘Doppelganger murder’: Babae, pumatay ng kamukha para mapeke ang kaniyang pagkamatay
  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.