• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Elmo, handang maghintay kay Janella kung payag nang ligawan

Balita Online by Balita Online
February 2, 2018
in Features, Showbiz atbp.
0
Elmo, handang maghintay kay Janella kung payag nang ligawan
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni REGGEE BONOAN

IPINASA kay Direk Perci M. Intalan ang pagdidirehe sa pelikulang My Fairy Tail Love Story ni Direk Jun Robles Lana na kinailangang umalis ng bansa para sa commitment na hindi puwedeng ipagpaliban bukod pa sa kailangan na ring simulan ang Dalawang Mrs. Reyes nina Angelica Panganiban at Judy Ann Santos.

ELMO AT JANELLA copy copy

Ayon kay Direk Perci, Marso 2017 pa niya niya sinimulang i-shoot ang pelikula nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa Zambales, pero kinailangan niyang ihinto dahil sinu-shoot din ng magka-love team ang Bloody Crayons sa Star Cinema.

“Matagal na natigil kasi nga ang daming ganap kaya nagkapatung-patong ang schedule, hindi magkaayos, kaya nag-usap kami (ni Jun) na I was there naman from the start, sabi ni Jun, saluhin ko na. And ‘yung material, malapit sa akin dahil mala-Disney siya. Kaya siguro mga five or six sequences ang na-retain,” kuwento ni Direk Perci.

Ayon sa mga nakapanood na ay cute ang My Fairy Tail Love Story, millennial ang atake ng kuwento na hindi ‘yung typical na mermaid story o nakagisnang Dyesebel.

“Swak kasi ‘yung mga kanta ni Janella sa movie, ‘tapos ang ganda niya at nakakatuwa ‘yung kuwento kasi ibang-iba sa mga dating Dyesebel stories. ‘Tapos ang gaganda at linaw ng shots sa ilalim ng tubig, ang ganda ng effects, basta maganda at I’m sure matutuwa ang lahat ng makakapanood kasi feel good siya, eh,” kuwento sa amin.

“This is not just an ordinary mermaid movie,” sabi naman ni Janella, “it will remind everyone how much thoughts and wishes could be so powerful. This will open our eyes not only to the beauty of the marine life but to the real beauty of our own lives and the people who love us unconditionally.”

Perfect playdate ang Pebrero 14 para sa My Fairy Tail Love Story. Kasama nina Elmo at Janella sina Kiray Celis, Dino Pastrano, Dominic Ochoa, Kakai Bautista, Rubi Rubi, Kaladkaren Davila at Dimples Romana.

“This is not just an ordinary mermaid movie. It will remind everyone how much thoughts and wishes could be so powerful. This will open our eyes noy only to the beauty of the marine life but to the real beauty of our own lives and the people who love us unconditionally.”

Samantala, no comment na si Janella sa post ng kanyang Mommy Jenine Desiderio tungkol sa isang gatecrasher na dumalo sa family reunion nila dahil katwiran niya ay ipinagpaalam niya si Elmo Magalona sa kamag-anak nila.

“Wala po,” tugon naman ng binata, “hindi po ako naggaganu’n (gatecrash).”

Ang pahayag ni Elmo sa usaping hindi siya gusto ng ina ni Janella: “I think naman like I always say, siyempre, I just want peace, peace lang. Ako, like naman what Janella said, it’s something that is really in the family. So, I just try to keep on telling her na I support her whatever happens. Like, if it’s part of the family, I don’t want to really be involved.”

Willing maghintay ang aktor kung kailan na handang magka-boyfriend si Janella.

“Ako, I just really keep on telling naman Janella na it will have to depend on her na kung puwede na sa ganyan. Kasi, like what I said, I’m not really in a rush. ‘Tsaka I’m just really happy na nakakatrabaho ko ulit siya,” saad ng binata.

Kung hindi boto sa kanya ang mommy ni Janella, kabaligtaran ang pamilya ng binata na welcome ang dalaga na dumalo pa sa kasal nina Maxene Magalona kay Robby Mananquil sa Boracay kamakailan.

“Yeah, I’m happy na there are moments in our lives na ganu’n, nakakapunta si Janella sa events ng family ko,” say ni Elmo.

Tags: Dino PastranoDominic OchoaElmo MagalonaJudy Ann SantosJun Robles Lanamaxene magalonaRobby Mananquilstar cinema
Previous Post

Mayon evacuees kailangan ng ayuda

Next Post

Dabarkads, nag-unwind sa HK

Next Post
Dabarkads, nag-unwind sa HK

Dabarkads, nag-unwind sa HK

Broom Broom Balita

  • Big-time rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ngayong Abril 1
  • Netizen, nanawagan ng tulong para sa operasyon sa puso ng ‘visually impaired’ na ina
  • Estudyante, patay nang tangkaing iligtas ang mga nalulunod na pinsan sa ilog
  • ‘Sorry Rapunzel, iksi ng buhok mo!’ Vice Ganda, flinex kasweetan ni Ion
  • Pope Francis, nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.