• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Federalismo ipaunawa muna sa tao

Balita Online by Balita Online
January 22, 2018
in Balita, Features
0
Harry Roque (Jonas Reyes)

Harry Roque (Jonas Reyes)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sumang-ayon ang Palasyo na kailangan munang ipaintindi sa mamamayang Pilipino kung ano talaga ang federalismo bago isulong ng gobyerno ang pagbabago sa Konstitusyon.

“Bago naman po tayo magkaroon ng plebisito, eh talaga naman pong iyong voter’s education ay importante,” sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamamahayag sa Kalibo, Aklan kahapon.

“So doon po sa budget na gagawin [ng Congress] para doon sa plebisito, eh importante po na maglaan din ng substantial amount nang maintindihan ng mga tao kung ano talaga ang ninanais nating baguhin sa Saligang Batas,” dugtong niya.

Binigyang-diin ni Roque na layunin ng federalismo na ma-decentralize ang gobyerno upang mas makikinabang ang mga lalawigan o federal states, sa kanilang yaman. Sa ilalim ng isinusulong na federalismo ng administrasyon, hahatiin ang bansa sa limang federal states — ang Luzon, Visayas, Mindanao, Metro Manila, at Bangsamoro.

Nauna nang ipinahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang ipaunawa muna sa taong bayan ang federalismo dahil karamihan ng mga botante ay hindi ito naiintindihan.

Pero ang problema… alam mo sabi nung survey, biro mo three-fourths ng Pilipino, di nila alam na may Saligang Batas,” ani Panelo sa Radyo Pilipinas.

“Kung ang Pilipino ay hindi ka malakas makaintindi, walang aral, kasi majority illiterate, na mga botante natin, iyong lumalabas. Kailangang bigyan muna natin sila ng formal education, bago tayo gumawa ng ganyan,” dugtong niya.

‘DI MANGHIHIMASOK
Pinanindigan ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso at bilang Chief Executive ay igagalang ang kalayaan ng legislative body.

Hindi pa naayos ng dalawang kapulunga ang kanilang magkakaibang posisyon sa pagsusulong ng paglilipat sa federal type of government. Nais ng Senado na hiwalay na pagbotohan ang Charter change habang iginigiit ng House of Representatives ang joint voting.

Sinabi ni Roque na naniniwala ang Pangulo na trabaho ng Kongreso na magsagawa ng mga pagbabago sa Saligang Batas at hindi makikialam sa prosesong ito si Duterte.

“Ang paninindigan po ng Presidente hindi po siya nanghihimasok sa gawain ng Kongreso. Naniniwala po kami na independiyente ang Kongreso at hindi po kami nanghihimasok, hindi po nanghihimasok ang ating Presidente,” ani Roque.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nauunawaan ng Palasyo ang sentimiyento ng 23 senador, na dapat masusing pag-aralan ang pagbabago sa Saligang Batas dahil makakaapekto ito sa buong bansa.

“We respect our Senators if they say that they will have to study it properly and I think tama naman iyon na dapat hindi talaga madaliin ng sobra,” wika ni Andanar sa radyo DZRH.

Tags: balitabalita ngayonbalita sa pilipinasbalita tagalogfederalismo
Previous Post

Catalan, umiskor sa ONE FC

Next Post

Trike driver na magtataas-pasahe isumbong

Next Post

Trike driver na magtataas-pasahe isumbong

Broom Broom Balita

  • ‘Kabahan na KathNiel, BarDa!’ Tambalan nina Joel Torre at Rubi Rubi, kinakiligan
  • Romualdez, itinalaga ang sarili bilang legislative caretaker ng distrito ni Teves
  • Bikini photo ni Jennica ‘Lumaban’ Garcia, gagawing wallpaper ni Christian Bables
  • Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection
  • ‘Pinagbebenta ng tiket?’ Lead vocalist ng bandang Lily, dismayado raw kay Rendon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.