• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Bashers, inggit sa flawless na kilikili ni Sunshine

Balita Online by Balita Online
January 6, 2018
in Features, Showbiz atbp.
0
Bashers, inggit sa flawless na kilikili ni Sunshine
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni LITO MAÑAGO

PINAGDISKITAHAN ng bashers at haters ang flawless na kilikili ni Sunshine Cruz, nang mag-post ng photo ang aktres ng Wildflower na kuha sa gitna ng dagat habang lulan sa balsa na gawa sa kawayan at itinaas ang dalawang kamay.

Sunshine copy

Kuha ang photo sa Vivere Azure Resort sa Anilao, Batangas na pinagbakasyunan ng pamilya ni Sunshine kasama ang boyfriend na si Macky Mathay at ilang kaibigan nila.

Naka-post ang photo sa social media pages ni Sunshine at ginawan ng istorya ng ilang broadsheets at tabloids.

Sa caption ng dating misis ni Cesar Montano, aniya, “Look forward with hope rather than backward with regret. I’m so ready for 2018,” at tinapos niya ito ng isang red heart emoticon.

Para sa haters at bashers ni Sunshine — na wala na yatang inatupag kundi pakialaman ang buhay ng may buhay — hindi maganda para sa mga media outlet na ibalandra ito sa pahina ng mga diyaryo.

Sabi ni (@iammarlonramos), “Di ko pa din ma-gets kung paano naging newsworthy ang ‘porcelain white underarms’ ni Sunshine Cruz at ang pagpo-pose ‘unapologetically.’”

Parinig naman ni @leelaramos, “Sobrang daming mga issue sa ating bansa and dapat bigyang pansin pero mas nakatutok ang media sa kilikili ni Sunshine Cruz. napakagaling.”

Pero mas marami ang kumampi sa 40-year old Kapamilya star at nagbigay pa ng positibong feedback sa larawan.

Ayon kay @lovebrand.ph, sabi niya, “Beautiful and young looking Sunshine!”

Say naman ni @wayne_queen.09, “Di kumukupas lodi.”

Sambit ni @josephcaro2801, “YOU LOOK SO CHARMING,” na nilagyan pa ng flower emoticon sa dulo ng kanyang post.
Biro naman ni @geldilla, “Paamoy naman ng kilikili please…”

Sa Facebook account ni Sunshine, ipinost niya ang screengrab ng mga comment at sabi lang niya, “Never my intention.

Sorry na po. Lol!” at tinapos niya ito ng hashtag na #kilikili.

Nagkakaisa ang karamihan sa mga tagapagtanggol ni Sunshine ang nagsasabi na inggit lang ang dahilan ng mga namimintas sa flawless na kilikili ng aktres.

Tags: cesar montanofacebookIntegrated Miningsunshine cruz
Previous Post

JOSE, 68

Next Post

#GILAS23

Next Post
#GILAS23

#GILAS23

Broom Broom Balita

  • Kilalang pinakamatandang Hebrew Bible, isasapubliko sa Israel bago ibenta
  • Hiling na medical, financial assistance tutugunan ng Presidential Help Desk
  • Leni Robredo, bumisita sa Japan para sa Angat Buhay programs
  • Pasahero ng MRT-3, timbog dahil sa bomb joke
  • South Korea, magkakaloob ng tulong sa ‘Pinas para sa oil spill cleanup
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.