BUNTIS ba siya o hindi? Ayon kay Kendall Jenner, hindi! Sinagot ng modelo ang mga espekulasyon na nagdadalantao siya sa nakakatawa — at most relatable — na paraan.
Ini-retweet ni Kendall nitong Sabado ang isang artikulo na nagtatanong kung buntis, at natatawang isinulat na, “i just like bagels ok!!!”
Nananatili mang tahimik si Kylie tungkol sa kanyang pagbubuntis, kinumpirma ng maraming sources sa Us Weekly na isisilang niya ang unang anak nila ng kasintahang siTravis Scott sa unang bahagi ngayong 2018.
Ang sagot ni Kendall ay nagbunsod sa kanyang followers para ipagtanggol siya. Saad ng isa, “What gives people the right to judge her body shape/size? I’m sure if she wasn’t a Jenner/Kardashian then this would be called body shaming? Not ok people.” Tanong naman ng isa, “Why must she be ‘pregnant’. It’s the season of good food, good wine and good company… honestly.”
Isang fan naman ang nagkomentong, “You don’t even look ‘preggers’ smh. They tried it.” – Us Weekly