• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon Mabuting Balita

Gen 15:1-6; 21:1-3 ● Slm 105 ● Heb 11:8, 11-12, 17-19 ● Lc 2:22-40 [o 2:22, 39-40]

Balita Online by Balita Online
December 31, 2017
in Mabuting Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon—tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: “Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon.” Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: “isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati.”

Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. Hinihintay niya ang pagpapaginhawa ng Panginoon sa Israel at sumasakanya ang Espiritu Santo. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya. Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi:

“Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.”

‘Tulong sa lahat ng pamilya sa buong daigdig’

Itinalagang kapistahan ng Banal na Mag-anak ni Jesus, Maria, at Jose ang araw ng Linggo sa Oktaba ng Kapaskuhan. Pinaiigting ng pagdiriwang na ito ang ating pagninilay sa misteryo ng Pagkakatawang-tao. Nakatutok tayo sa Anak ng Diyos, na naging bahagi ng pamilya ng sangkatauhan sa kanyang pagiging tao at pakikipanahan sa atin. Sa pamamagitan naman ni Jesus, ating kapatid, naging kapamilya din tayo ng Diyos (Gal 4:6). Ano ba ang itinuturo sa atin ng pagbasa sa ebanghelyo sa pagdiriwang ng araw na ito? Kung ipinakita ang Banal na Mag-anak na lumilikas upang matakasan ang masamang balak ni Haring Herodes sa salaysay ni Mateo, kaiba naman ang naging takbo ng kuwento ni Lucas—ang mapayapang pagdadala sa sanggol na si Jesus sa Templo upang iharap sa Diyos ayon sa kaugalian ng mga Judio.

Previous Post

PBA: Gavina, nagbitiw sa KIA Picanto

Next Post

Disyembre 8 bilang holiday, ‘beautiful gift’

Next Post

Disyembre 8 bilang holiday, 'beautiful gift'

Broom Broom Balita

  • Mga magsasaka, tutulungan ng DA vs oversupply ng kamatis sa N. Vizcaya
  • Business establishment owners, hinikayat ni Lacuna na tumanggap na rin ng e-health permits
  • ‘Bondee’ app na bagong kinagigiliwan ng netizens, nilikha umano ng demonyo?
  • Lalaki, namataang putol ang ulo habang naglalakad sa Manila Cathedral
  • Mga nagparehistro para sa 2023 BSKE, pumalo na sa 2.4M
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.