• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Nakabibinging katahimikan

Balita Online by Balita Online
December 15, 2017
in Opinyon
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni Dave M. Veridiano, E.E.

MATAGAL ko na rin ‘di naririnig ang mga katagang “nakabibinging katahimikan” kaya nang maulinigan ko itong paulit-ulit na binanggit sa umpukan cum balitaktakan ng mga Uber driver sa isang paborito nilang carinderia sa Quezon City, ‘di ko mapigil na maupo sa mesa at umorder ng katakam-takam na Sinigang na Ulo-Ulo – upang makitsismis!

“Ang ingay-ingay nila sa lahat ng bagay, lalo na ‘yung mga sipsip na alipores, sobra makapintas at makabintang, pero bakit ngayon, ang tahimik nila. Wala man lang pumupuna sa palpak na bakuna na pinayagang maiturok sa daan-daang libo nating kabataan, eh hindi pa naman pala siguradong makakagamot!” ang sabi ng isang driver na may katabing tabloid na BALITA sa gawing kanan ng kanyang plato.

“Grabe ang mga mandarambong na ito, ayan nabasa ko d’yan sa diyaryo mo, 700,000 ang naturukan para kumita sila ng P3.6 bilyon. Inapura ang release ng budget para makuha agad ng mga hinayupak ang tongpats nila,” ang sabi ng medyo bata-bata pang katabi nito, sabay higop ng mainit na sabaw ng sinigang… Napasabay rin ako sa paglagok ng sabaw na masarap higupin lalo na ‘pag umuusok at may kumakagat pang anghang!

Ang tumimo sa aking isipan – ang halos magkakapareho nilang pananaw na: “Dahil maraming namantikaan biglang naging nakabibingi ang katahimikan!” Sa paniwala kasi nila, ang mga alipores ng magkabilang kampo ng administrasyon at oposisyon, ay kapwa TAHIMIK sa isyu ng BAKUNA na bilyong piso ang halaga, dahil ang “mantika ng kurapsiyon” na umano’y dala nito, ay patuloy na DUMALOY mula sa papaalis nang administrasyon ni Ex-PNoy patungo sa mga kauupo pa lamang na mga alipores naman ng bagong upong si Digong, lalo na sa Department of Health (DoH).

Minadali raw kasi ng kampo ni Ex-PNoy ang pakikipagsara sa kumpanyang Sanofi Pasteur para agad na mabayaran ng halagang 1,000 kada vial, gayong ang tunay na halaga nito ay wala pang sampung piso ang isa kaya umabot ang kabuuang halaga sa P3.6 bilyon…Sabat ng isa sa mga driver na katatapos pa lamang kumain: “Buti na lang yung dalawang anak ko parehong na-dengue na bago ko dinala sa center para mabakunahan. Kung nagkataon pala makakasama sila sa halos 70,000 Grade 4 student na nanganganib ang buhay dahil pinabakunahan na gayong ‘di pa sila nagka-dengue.”

Mismo ang Sanofi Pasteur ang nagsabi na magiging masama ang epekto ng kanilang bakuna kapag itinurok sa mga batang ‘di pa nagkaka-dengue…Ngunit sa kabila nito, itinuloy pa rin ng mga opisyales ng DoH ang paggamit sa bakuna, at ang napiling turukan ay mga Grade 4 students.

Pati ‘yung serbidora nakisawsaw na rin sa isyu: “Pinabilis nila ‘yung transaksiyon upang pondohan ang kampanya sa May 2016 elections. Narinig ko, sinabi ni Senador Gordon… sa TV!”

May mga pinagbabanggit pang pangalan ng mga opisyal na pinaniniwalaan ng mga driver na NAMANTIKAAN sa transaksiyong ito. Kinabitan pa nga nila ang mga pangalan ng mga pang-uyam sa salita upang maging katawa-tawa at nakasusuka ito habang kanilang binabanggit.

‘Di ko na ito iisa-isahin pa rito. Sapat nang maiparating ko sa mga namamahala sa bansa na hindi nananahimik ang mga mamamayan. May mga grupong dinaraan lamang sa biruan ang usapan ngunit naiwan ang aral, leksiyon at paghihimagsik sa kanilang mga isipan…Ito ay hindi dapat na binabalewala ng mga namamahala sa bansa!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected]

Previous Post

Batangas City employees, may dagdag bonus

Next Post

SARGO!

Next Post
SARGO!

SARGO!

Broom Broom Balita

  • DAR, namahagi ng lupa sa mga magsasaka sa bansa
  • DA, naglaan ng P326-M para mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa bansa
  • Burluloy ni Taylor Swift sa Grammys 2023, tumataginting na P164-M ang halaga – report
  • TNT Tropang Giga, ipinalasap unang talo ng Converge
  • Marcos, lumipad na pa-Japan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.