• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Daniel, Pia at Vice Ganda, inihambing ni Joyce Bernal kina Panchito, Chichay at Dolphy

Balita Online by Balita Online
December 14, 2017
in Features, Showbiz atbp.
0
Daniel, Pia at Vice Ganda, inihambing ni Joyce Bernal kina Panchito, Chichay at Dolphy
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DANIEL, DIREK JOYCE, PIA AT VICE copy

Ni REGGEE BONOAN

NAGKATAWANAN ang entertainment press sa sagot ni Daniel Padilla nang tanungin kung ano ang ginagawa niya sa pelikulang Gandarrapiddo The Revenger Squad na pinagbibidahan nila nina Vice Ganda at 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na parehong idolo ng mga bading.

“Pangbalanse lang para hindi baklang-bakla, balance lang,” sabay bawing, “pero masaya, masaya sa set namin.”

Maraming collection ng superheroes si Daniel at ang latest niyang paborito ay, “Gusto ko Guardians of the Galaxy.

Yes, gusto ko ring gumanap na superhero eversince bata ako, gusto kong gumanap.”

Sa pelikula, si Daniel pala si Rappiddo.

“Mabilis gumalaw si Rappiddo sa lahat ng bagay,” say ng binata.

Samantala, natanong siya kung ano ang plano nila ni Kathryn Bernardo sa Pasko.

“Normal lang, sa bahay, pamilya. Pupunta ako sa bahay nila, baka dumaan din siya sa amin to celebrate with the family and friends, okay na ‘yun, masaya na kami nu’n.”

Naibahagi naman ng direktor ng The Revenger Squad na si Bb. Joyce Bernal na parang sina Dolphy at Panchito raw sina Vice at Daniel na maganda rapport, isama pa si Pia na parang si Chichay naman daw.

“Alam nila kung ano ‘yung gagawin nila, may rapport sila na nakakatawa, nanonood na nga lang kami ni Pia, eh. Siguro isang pelikula pa, kaya na ring sumabay ni Pia kina Vice at Daniel at siya Chichay, ha-ha, kasi kaya niya to make fun of herself kahit na Miss Universe siya, hindi siya umarteng ‘respetuhin ako!’ ganu’n.

“Alam niyang comedy at lahat ng ‘pinagawa namin sa kanya ay ginawa niya po lahat,” kuwento ni Direk Joyce.

Pero kapag seryoso na at off-camera ay seryosong nag-uusap sina Vice at Daniel.

“Marami kaming personal na usapan about life and business, mas ganu’n ang mga nilo-look forward ko sa kanya (Vice),” sabi ni Daniel.

Kasama ang iba pang mga kaibigan sa showbiz at sports, magkasosyo sina Vice at DJ sa District 8 Resto-Pub sa Greenhills, San Juan City.

Nabanggit din ng Teen King na riot sa set ng Gandarrappido The Revenger Squad dahil kasama rin ang kanyang Mommy Karla Estrada na matagal nang kaibigan ni Vice.

“Masaya ako na nakikita ko ‘yung ermat ko na kasama ko sa trabaho, siyempre saka riot talaga sila sa set. Sabay ko kasing sinu-shoot itong The Revenger at La Luna (Sangre) at alam naman natin na sobrang nakakapagod talaga ang La Luna kasi araw-araw kami kaya kapag lumilipat ako ng Revenger nare-refresh ako kasi nandoon naman ang ermat ko, nandoon si Vice, kaya talagang tawanan kami sa set so masaya,” kuwento ni Daniel.

Inamin din ng aktor na may cameo role si Kathryn Bernardo sa The Revenger Squad at wala siyang love interest sa pelikula.

“Isasama ko na lang siya sa premiere night,” aniya.

Showing na ang Gandarrapiddo The Revenger Squad sa Disyembre 25 mula sa Star Cinema at Viva Films.

Tags: Daniel PadillaJoyce Bernalkarla estradakathryn bernardoLa LunaPia Wurtzbachstar cinemaviva films
Previous Post

PBA DL: Marinerong Pinoy, nakabingwit sa Rookie Drafting

Next Post

PCG nakaalerto hanggang Enero

Next Post

PCG nakaalerto hanggang Enero

Broom Broom Balita

  • Friends-with-benefits na ‘di magulo? Nadine Lustre, may advice sa notoryus na setup
  • PBBM sa pagtanggi ng ICC sa apela ng PH hinggil sa drug war: ‘We are disengaging’
  • Pari na suspek sa umano’y panggagahasa ng choir member sa simbahan, timbog
  • PCSO lotto draw ngayong Martes, mailap sa suwerte, bokya sa jackpot ang mananaya
  • Miyembro ng isang gang, nasamsaman ₱680K halaga ng ‘shabu’ sa Angeles City
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.