• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Pinay booters, sasabak sa Asian Cup

Balita Online by Balita Online
December 11, 2017
in Sports
0
Soccer ball (Pixabay) default
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MATAPOS ang ginawang draw sa King Hussein Bin Talal Convention Center sa Jordan, napabilang ang Philippine Women’s National Football Team sa grupong kinabibilangan ng host Jordan, China at Thailand para sa darating na 2018 Asian Women’s Cup sa Abril 6-26,2018 sa Jordan.

Nauna nang nag-qualify ang mga Pinay sa qualifier na ginanap sa Tajikistan.

Ang China at Thailand ay kapwa lumahok noong 2015 FIFA Women’s World Cup na ginanap sa Canada. Umabot ang China sa quarterfinals habang na -eliminate naman ang Thailand sa group stage.

Sa pinakahuling inilabas na FIFA Women’s World Rankings, ang China ay no. 13 habang pang -29 naman ang Thailand.

Huling naglaban ang Thailand at Philippines noong nakaraang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan namayani ang Thais, 3-1.

Ang host Jordan naman ay may world ranking na 50th.

Huli silang nakalaban ng Philippine women’s team noong Abril 12, 2017 sa Women’s Asian Cup qualifiers kung saan nagwagi ang huli, 5-1.

Sa kabilang grupo, magkakasama naman ang South Korea, Australia, Vietnam atJapan.

Target ng Pinay booters na mag -qualify sa 2019 FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa France.

May limang slots na nakalaan sa torneo kaya magiging sapat na ang fifth place finish para sa isang koponan partikular sa Pilipinas upang makasiguro ng isang tiket. – Marivic Awitan

Tags: CanadaFIFAjordankuala lumpursouth koreaWorld Cup
Previous Post

Magna Carta for Tricycle Drivers isinusulong sa Kamara

Next Post

Karakter ni Nash, suspek ng viewers sa  masalimuot na murder sa ‘The Good Son’

Next Post
Nash Aguas

Karakter ni Nash, suspek ng viewers sa  masalimuot na murder sa 'The Good Son'

Broom Broom Balita

  • Dating nagbabakal-bote na isa nang lisensyadong guro, kinaantigan!
  • Mga abogado nina Kathryn, Daniel nag-uusap na raw
  • PBBM sa mga Pinoy: ‘Tularan ang kabayanihan ni Bonifacio’
  • ‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol
  • Misis ni Baron, kinompronta ang ‘eskabetseng Kapuso person’ ng mister?
Dating nagbabakal-bote na isa nang lisensyadong guro, kinaantigan!

Dating nagbabakal-bote na isa nang lisensyadong guro, kinaantigan!

November 30, 2023
Mga abogado nina Kathryn, Daniel nag-uusap na raw

Mga abogado nina Kathryn, Daniel nag-uusap na raw

November 30, 2023
PBBM sa mga Pinoy: ‘Tularan ang kabayanihan ni Bonifacio’

PBBM sa mga Pinoy: ‘Tularan ang kabayanihan ni Bonifacio’

November 30, 2023
‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

‘Aw, aw?’ Rosmar Tan, humingi ng pasensya sa ‘labrador’ na tumatahol

November 30, 2023
Misis ni Baron, kinompronta ang ‘eskabetseng Kapuso person’ ng mister?

Misis ni Baron, kinompronta ang ‘eskabetseng Kapuso person’ ng mister?

November 30, 2023
17 Pinoy na hinostage sa Red Sea, nasa maayos kalagayan — DFA

17 Pinoy na hinostage sa Red Sea, nasa maayos kalagayan — DFA

November 30, 2023
PBBM matapos ibasura ng ICC ang apela ng ‘Pinas hinggil sa ‘drug war’: ‘We are done with the ICC’

PBBM, kinansela Dubai trip para sa 17 Pinoy hostage sa Red Sea

November 30, 2023
Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

November 30, 2023
Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo

Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo

November 30, 2023
Dismissal vs QC police official na sangkot sa hit-and-run, pinagtibay ng DILG

Dismissal vs QC police official na sangkot sa hit-and-run, pinagtibay ng DILG

November 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.