• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Dagdag Balita

120 LRVs para sa LRT-1 extension

Balita Online by Balita Online
December 4, 2017
in Dagdag Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bibili ang Department of Transportation (DOTr) ng 120 Light Rail Vehicles (LRVs) para sa 12-kilometrong south extension project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite.

Lumagda na sa kasunduan sina Transportation Secretary Arthur Tugade at Mitsubishi Corp. Senior Vice President Tetsuji. Sinaksihan ito nina Ambassador of Spain Luis Calvo Castano, mga kinatawan mula sa Embassy of Japan, Japan International Cooperation Agency (JICA), Light Rail Manila Corporation, at matataas na opisyal ng DOTr.

Ang 120 LRVs ay idinisenyo na may four-LRV configuration at bawat train set ay may kapasidad na 1,388 pasahero, energy efficient at low maintenance.

Target ng DOTr na mai-deliver sa bansa ang unang apat na LRVs sa Agosto 31, 2020, at ang 40 nalalabing LRVs sa Disyembre 31, 2020. Inaasahang makukumpleto ng Mitsubishi Corp. ang delivery ng 120 LRVs sa Disyembre 31, 2021.

Nasa final design stage at pre-construction activities na ang LRT-1 Cavite Extension Project. Nakatakdang sisimulan ang konstruksiyon sa 2018, at inaasahang makukumpleto bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang inaprubahan ng NEDA-ICC ang proyekto noong 2000 bilang unsolicited proposal, at kalaunan ng NEDA Board noong 2012 at 2013, bilang combined Public Private Partnership (PPP) at Official Development Assistance (ODA) project.

Nabigo ang unang bidding para sa 120 LRVs mula Oktubre 2015 hanggang Pebrero 2016 na lalong nagpaantala sa proyekto. Nang maupo sa posisyon si Tugade, ipinursige niyang matuloy na ito. – Mary Ann Santiago

Tags: balitabalita ngayonbalita sa pilipinasbalita tagalogdepartment of transportationLight Rail Manila CorporationOfficial Development Assistancepublic private partnership
Previous Post

Mutya ng Batangas kokoronahan na

Next Post

Is 2:1-5 ● Slm 122 ● Mt 8:5-11

Next Post

Is 2:1-5 ● Slm 122 ● Mt 8:5-11

Broom Broom Balita

  • Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA
  • Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers
  • ₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!
  • Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?
  • Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

June 6, 2023
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

June 6, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

June 6, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?

June 6, 2023
Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

June 6, 2023
Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

June 6, 2023
PBBM kay ‘BFF’ VP Sara: ‘Sa ayaw at gusto mo, I’m still your number one fan’

VP Sara, ipinaabot ang ‘pagmamahal’ kay PBBM, ngunit tumangging banggitin ‘middle initial’ nito

June 6, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!

June 6, 2023
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.