• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Suspek sa ‘The Good Son,’ iba na

Balita Online by Balita Online
December 2, 2017
in Showbiz atbp.
0
Albert, proud na muling katrabaho ang KathNiel
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni REGGEE BONOAN

MUKHANG nahuhulaan na ng mga sumusubaybay sa The Good Son kung sino ang pumatay kay Victor Buenavidez (Albert Martinez) sa rami ng mga lihim na unti-unti nang nalalantad.

Kung dati ay ang ibang babae ni Victor (Albert) na si Racquel (Mylene Dizon) o ang kapatid na si Anthony (John Estrada) ang suspek sa pagpatay, ngayon ay nabaling na kina Dado (Jeric Raval) at Olivia (Eula Valdez) dahil nahuli pala sila ni Enzo (Jerome Ponce) na naghalikan sa loob ng elevator noong magkasama sila sa convention sa Antipolo City.

Gusto kasing patunayan ni Enzo kay Joseph (Joshua Garcia) na mali ang duda nito sa mommy niya at sa driver nila kaya laking galit ng panganay ni Olivia na siya pa mismo ang nakahuli.

Lumayas ng bahay nila si Enzo dahil ayaw na nitong marinig pa ang mga kasinungalingan ng ina at kaya raw siya malapit sa driver nila ay dahil ipinagtatanggol siya simula mga bata pa sila kaya malapit silang magkaibigan.

Pero may buwelta si Enzo, “Friends doesn’t kiss each other, mom.”

Samantala, nabuking na maysakit na schizophrenia si Olivia (Eula) na lumaki palang walang pagmamahal mula sa ama na mas gusto ng anak na lalaki bukod pa sa mahina ang utak niya noong nag-aaral siya. Tanging ang nanay niyang si Donya Matilda ang nagmahal sa sa kanya.

Pero dahil kakaiba ang ugali ng bunsong anak ni Olivia na si Calvin (Nash Aguas), pinagdududahan na rin siya ng ilang viewers na posibleng siya ang killer ng tatay nila.

Anyway, inamin ni Jerome sa isang panayam na hindi sila nag-uusap ng ex-girlfriend niyang si Elisse Joson sa set ng The Good Son. At kapag may eksenang magkasama sila ay saka lang sila nag-uusap o nagtatama ang mga mata nila.

May away?

Tags: albert martinezThe Good SonVictor Buenavidez
Previous Post

Dn 7:15-27 ● Dn 3 ● Lc 21:34-36

Next Post

Marawi rehab idadaan sa Swiss challenge

Next Post

Marawi rehab idadaan sa Swiss challenge

Broom Broom Balita

  • 1 patay, 4 na-rescue sa nasunog na barko sa Basilan
  • Taga-Tondo, wagi ng ₱34.1M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55
  • Oil slicks mula sa MT Princess Empress, patungo sa Naujan, Pola sa Oriental Mindoro – UP expert
  • Vice Ganda, may patutsada sa ‘constituents’ ni Yormeme
  • ₱600,000 pabuya, alok vs killer ng DLSU student sa Cavite
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.